Rant about my OB

Nakakainis lang OB ko. Di sya nagrereply kapag di ako naka-sched ng check up sa kanya. Pero kapag sinabi ko na pupunta ako sa clinic nya ang bilis magreply. Katulad nung tinext ko sya na sumasakit puson ko at parang naninigas tyan ko, anong pwede kong gawin o inumin na gamot? As in wala syang reply. Kaya ginawa ko nagpunta nlang muna ako sa Barangay Center para kahit paano, mabigyan ako advise. Tapos nung sinabi ko lang na kukuha ako ng medcert tsaka lang nagreply OB ko. Gusto yata lagi sya babayaran. Every punta ko sa kanya, 2-3x a month lagi nya ko kinukuhaan ng dugo at urinalysis kahit okay naman resulta nung nakaraan. Ang mahal nya maningil kahit di nya naman ako chinecheck up talaga, lagi lang ako pinapag inhale at exhale. Mas okay pa yung mga assistant nyang midwife, chinecheck lagi heartbeat ng baby ko. Sabi pa sakin ng OB ko, sa mga barangay center daw ang tinatanggap na is yung mga 7months kasi kailangan daw tapos na lahat ng lab test sa private clinic pero di ko sya sinunod. Nagparecord ako sa center namin at tinanggap ako. Sa barangay may baby book, sa clinic ng OB ko, papel lang na manipis 🙄 Nagsabi na ko na lilipat ako ng clinic pero di nya binigay sakin mga lab results na natapos ko sa kanila. Balikan ko nlang daw pag nakalipat na ko. Nakakainis lang talaga 🤦🏼‍♀️ #1stimemom #pregnancy #firstbaby

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hanap ka na ng ibang OB sis. Ang weird lang dapat meron ka copy ng mga laboratory mo kasi binayaran mo yon. Sa ibang hospital nga at laboratory nag eemail pa sila ng copy sayo aside sa hard copy. Tsaka dapat meron baby book. Ung OB ko nga natuwa ako kanina kasi nilagyan pa nia ng sticker ung baby book ko. Personalized na name ko. Tsaka nagrereply agad agad pag nagtetext ka kahit madaling araw. Hinde nagmamadali pag check up. Kanina nagpa Biometry ultrasound ako. Nagtake time talaga cia icheck isa isa. At nageexplain talaga cia. Super hands on. Tsaka hinde mukang pera kasi katulad nalang kanina dapat tetanus toxoid vaccine ko. Pero sabi nia sa center nalang ako magpa vaccine para libre daw kasi pag don sakanya sa hospital mahal daw. If mukang pera cia ipush nia ako magpa vaccine sakanya. Kaya para sa peace of mind mo. Maghanap ka na ng maayos na OB. Andami jan.

Đọc thêm
3y trước

kaya nga po eh. Sinabi ko rin sa kanya na kung pwede sa center nlang ako magpa-inject ng anti-tetanus sabi nya nandun nlang din naman ako sa clinic nya bakit di pa dun, pipila pa daw ako ng mhaba sa center. Ang tetanus toxoid nya is P380 which is libre lang sa center. Wala sis ako copy ng mga labtest result ko. Nasa kanya lahat tsaka sa email nya lang sinesend nung nag-labtest. Balik ko sa kanya June 1 pero di na ko magpapacheck up, kukunin ko nlang lahat ng lab test ko para ipakita sa lilipatan kong OB. Kairita sya.

Mabuti na ung lumipat ka. D dapt mastress sa OB dahil sila dapat nagaalaga satin. Lumipat dn ako ng OB kasi d ako comportable sa 1st OB na napuntahan ko. Feeling ko masungit kaya d ako makaopen sa kanya. Kunin mo n record mo sa kanila.

3y trước

Yung assistant nya mababait, sya laging nagmamadali tsaka parang di kami priority. Ang priority nya yung mga nagpapa-newborn screening kasi ang mahal ng singil nya dun eh. Eh samin kapag no labtest needed, P500 lang kikitain nya sa check up. Tsaka as in sis, inhale-exhale lang ichecheck sakin and titingnan nya labtest ko na either katatapos lang after 10days pero kukuhaan nya ulit ako CBC. Buti pa yung mga assistant nyang midwife, ang dami ineexplain sakin kahit medyo mataray yung isa dun at ang sakin tumusok sa ugat 😣