Try niyo po ito.. malaking naitulong po sa akin

Naitawid na po ako ng Lord sa morning sickness ko at hirap sa pagkain ko. Ngayon po nakakakain na po ako maayos dati po puro sky flakes lang ako kada kain ko kasi suka umaga hanggang gabi yun. Gusto ko lang po ishare sa mga first time mom na katulad ko alam kong sobrang hirap ng unang tatlong buwan, kung meron man po nakakaranas ng matinding pagsusuka po subukan niyo po bumili nitong tubig sa 7 eleven kasi malaki po talaga naitulong sakin nito. Nabawasan talaga pagsusuka ko, di yung kada kain ko talaga nun suka. May maliit po niyan 30 pesos lang po try niyo po. God bless po sa lahat ng momshy. Iniingatan tayo ng Lord. 😊#pregnancy #firstbaby #1stimemom

Try niyo po ito.. malaking naitulong po sa akin
1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

thanks mommy