Marunong din ako mapagod
Naiirita ako. Kasalukuyan kaming nakikitira sa MIL ko. Wala akong ginagawa sa bahay kundi weekly maglaba ng pang isang linggong labada namin ng asawa ko at ng isa naming anak. At dahil nakaquarantine, every day naman din ako ang yaya ng anak namin na mag iisang taon na this June. So, imagine sobrang curious na ni baby sa paligid niya at napakalikot. Gov't employee si hubby at may pasok na siya 2-3x a week. The rest, nasa bahay lang din naman siya at wala din naman ginagawa. Alam kong bilang first time mom at bilang bagong manugang na nakikisama sa in-laws eh hindi lang dapat kay baby ang atensyon ko. Dapat nga higit sa paglalaba, nagluluto pa ko at naglilinis ng bahay. Wala naman din problema sakin kung gagalaw ako sa bahay. Kaso, wala naman kasi ibang mag-aasikaso sa anak ko kundi ako. Kahit pa sabihin na andyan lang byenan ko at nandyan din asawa ko most of the time. So, here what happens today. Wala pasok si hubby. Sa maghapon, ako lang nag-aasikaso sa anak namin. Tumulong lang siya magpaligo. Pero ako halos ang nagkakalong, nagpapadede at lahat na sa anak namin. Tapos siya, tutulog tulog. Pacellphone cellphone lang. Tapos ako na maghapon, magdamag na nakabantay sa bata mula paggising hanggang pagtulog pag humawak ako ng phone ko like this madidinig ko pa sa byenan ko at hipag ko na nasa bahay din, sige magcellphone ka na lang. Idinadaan pa sa mga bata. Kunwari hindi ako ang pinapatamaan. Gusto ko din matulog at magpahinga. Pero parang wala akong karapatan. Porke di ako gumagawa sa bahay, akala di nakakapagod mag-alaga ng bata. Pag hindi tulo ang baby ko, hindi din ako pwede matulog. Kahit nandito naman asawa ko. Haysss. Wala ba ko karapatan magpahinga? Tamad ba ko nun?