Hi mommies! Tip para sa nasusuka sa Obimin Plus
Nagswitch ako recently from Obivitmax to Obimin Plus kasi ayoko na masyadong madaming iniinom na vitamins. May kasabay pa kasi akong fish oil. First 3 days ko grabe hilo ko pag umiinom ng Obimin. Nagresearch ako kung bakit ganun ayun pala kasi pag too much iron intake natin nai-irritate yung tiyan natin kaya nakakaexperience tayo ng nausea. Usually kasi pag umiinom ako ng prenatal kasabay folic acid. Sobrang dami ko na kasi nabili na Obimin at nanghihinayang ako -- ang ginawa ko na lang is iinumin ko sa umaga kasama vitamin c yung obimin tapos after 3-4 hours sa lunch ko, dun ako iinom ng folic acid. Effective naman day 5 na hindi ako nasusuka. Okay din na magresearch ng counteractions ng vitamins kasi may mga bawal din ipagsabay ng inom kasi mawawala effectiveness ng pag absorb ng nutrients.

