Nabuntis ng Sundalo

Nagkaroon po akong nang boyfriend na sundalo at nabuntis niya ko. Nung buntis na ko late ko na nalaman na may asawa na pala siya at isang anak dahil may isang concern na kasamahan niya ang nagsabi pero too late na dahil buntis na nga ako. Hindi ko talaga akalain na may asawa na pala siya kasi sinearch ko pa fb niya at wala man lang bahid na may asawa na, wala rin siyang wedding ring and yung nakakasama rin naming isa niyang kasamahan eh wala ring sinabi. So, nung nalaman namin ng parents ko na buntis ako at kinausap na siya, tsaka palang din siya umamin na may pamilya na nga siya kaya wala na magagawa kundi sustentuhan nalang ang baby. 1-2 months pregnant palang ako nakakapagbigay pa siya ng pampacheckup pero nung nalaman na ng asawa niya na may nabuntis siya di na siya pinapadalhan (nasa asawa niya atm niya) kaya di na siya nakakapagbigay. Sobrang considerate ko sa lalaki na di siya nakakapagbigay at sa asawa niya kasi sobrang sakit nga naman malaman na makabuntis asawa mo. Pero paano naman po yung anak ko kung di man lang niya masusustentuhan sa pagdadamot na rin po ng asawa niya? Ano po dapat kong gawin para sa sustento ng anak ko? ps. Captain po ang ranggo ng nakabuntis sakin Pps. Wala n po kaming relasyon nung lalaki

99 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

May makukuha padin ang anak mo sis Ilapit mo kay tilfo sila cocontact sa offucer nya para salary deduction ang mangyayari para makuha mo ang para sa baby

punta ka sa kampo nila sis kausapin mo ang CO nya, para may matatanggap ka para sa bata 3k ang allowance sa bata

Ask for legal advice sis. May karapatan yung bata sa suporta ng ama niya. Responsibilidad niya yun kahit man lang sa bata.

Pwedi yan makasuhan if ever na mpatunanayan na dka nya or ung bata sinusustintuhan...lapit ksa attorney whats best action

Ang alam ko kailngan nya sustentuhan yong anak nyo basta mapatunayan na anak nya po talaga. May batas na po yan ngayon

Sis kasal naba sila? According to the law sis you have the right to demand a financial support from the father.

Idemanda mo mamshie para makakuha ka ng sustento kasalanan ng lalaki yan at responsable nya na yang dinadala mo

para sa baby mo sis, ilaban mo sustento nya. obligasyon nya na magbigay sayo. gawan nya dapat ng paraan yan

Pray momshie n ask for guidance. Hind po dapat ikaw masistress kawawa c baby u. Be strong. Kaya mo Yan.

Thành viên VIP

Try nyo po mgpa tulfo . Tutal sustento lg naman habol nyo. Tiyak matutulungan kayo n sir raffy jan.