Nagdadamdam ba kayo kapag "daddy" ang laging bukang bibig ng anak nyo?
Sa tingin ko dahil mga daddy mas malaro sa mga anak natin mas enjoy sila kasama, kesa sa mga mommy na tayo nagpapaligo, nagpapakain, pag may sakit tayo pumipilit na uminom ng gamot. Si daddy kasi puro fun times
Paminsan... kasi gusto ko ako ang paborito nilang parent haha. Pero okay lang naman sa kin na maka-daddy ang mga anak kasi nakakapahinga ako and I get to enjoy me-time habang busy ang daddy nila sa kanila
nope. i actually i like it. because when I'm with my son, he's most likely clingy. so whenever i hear him say 'daddy' i appreciate that a lot.
Hindi naman sa nag dadamdam pero nagtataka na bakit nga ba puro daddy ang hinahanap at binibigkas ng anak ko?
Nasanay na ko hahaha. Wala ng epekto sa akin. Siguro kung may post partum ako baka mangagalaiti ako sa inis.
May meme nga sa FB na dinala mo ng 9 months tapos pagka labas daddy ang bukang bibig ng bata. Haha
Hindi naman. Ganoon talaga e hehe