Walang gatas

Nagawa ko na lahat super hilig ko pa sa gulay. Masipag mag sabaw, umiinom ng katas ng nilagang malunggay, umiinom ng malunggay capsule, magaling mag latch si baby pero wala pa rin milk. Nag sugat lang nipples ko kaka latch ni baby pero bo signs of milk building up sa boobs ko at kahit kaunting milk walang lumalabas. Sobrang nakakalungkot at nadidisappoint ako sa sarili ko 😔😔😔 gusto ko sana mag ebf. Kaso ilang araw na at gutom na gutom ang baby kahit halos 2 hrs syang nakalatch sakin isang upuan. Naluluha nalang ako di ko lang pinapakita sa partner ko. Naaawa ako kay baby kasi gutom sya at the same time nakaka disappoint sa sarili. Pero di pa naman ako sumusuko. Formula milk muna kami ng ilang araw habang pinu pump yung breast ko at continue sa pag inom ng sabaw. Pag pray nyo po magka milk nako 🥺😞

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ipa suck niyo po mommy sa asawa mo. ganyan ginawa ni hubby, ngayon malakas na breastmilk ko.