Nag paalam sa akin ang husband ko na pwede ba daw nyang ihatid ang anak nya na nakatira sa amin sa mom nito kahit twice a month para makasama naman daw nya ito . Hindi ko pa sya sinagot sabi ko pag isipan ko pa muna . Shempre may something sila nong babae at nag kaanak pa sila bago naging kami . Papayag ba ako o hindi ? Ano ang dapat kung gawin ?
Mahirap magsalita, pero this is based on my own opinion lang po. Wala naman akong nakikitang masama kung ihahatid niya ang anak niya sa bahay ng nanay nito kasi kahit wala na naman sila kailangan makita pa rin ng bata na okay yung parents niya at nagkakasundo for him/her. Sa tingin ko mas okay naman yung kahit broken family kayo pero yung parents mo ay friends pa rin at okay ang relasyon para sa anak nila. Remember, nakilala mo siya ng may anak na and obligasyon niya pa rin na kahit papaano mapafeel sa anak niya kahit paminsan minsan na kumpleto sila and nakakasama niya mga magulang niya. Kung mahirap sa part nating mga babae na tanggapin yun, isipin rin natin yung nararamdaman ng bata na wala siyang kumpletong family. If you really trust your husband naman kasi wala kang kailangan ipangamba, pero dear, kung hindi ka naman talaga comfortable, tell him na ayaw mo ng ganung set-up and mag isip kayo ng pwedeng gawin para makapagkita sila ng mom niya 😊
Đọc thêmHi ! same situation pero nsa nanay ung bata at dumdlaw lng samin, much as we want to dapat maging patient ka when it comes to this thing .. Nakakaloka magisip sa totoo lang pero kasi kung ung kapakanan ng bata ang iisipin ko bakit hindi diba ? maging mpagbigay tayo lalo na at nauna ung bata kesa sa atin ganyan din kasi ako ... may point pa na nagrequest ung nanay na gusto nyang mkausap sna ung hubby ko para lng ba maikwento or maishare nya ung life achievements nung bata pumayag ako kasi anak nya ung paguuspan nila ... trust goes a long way at kung magging malawak ang pangunawa natin sa tngin ko mas hahangaan kapa ng hubby mo kasi mas mkkita nya ung puso mo pra sa anak nya na kahit di sayo nanggaling inaalla mo padin 😊
Đọc thêmTo be honest, mahirap magsalita kasi alam kong mahirap ang sitwasyon mo. Meron din akong mga kaibigan na may ganyang sitwasyon at iba iba ang paraan nila to deal with that concern. I have a friend na sumasama siya sa paghatid, pero sa kotse lang siya. Meron naman na hindi sumasama, kasi ang reason niya eh baka daw isipin ng asawa niya eh wala siya tiwala. Siguro ang mas mabuti eh pag-usapan ninyong mag-asawa kung meron ka man hesitations para makapagplano kayo kung ano ang magandang gawin. Kasi sa huli, tama din naman na kailangan din makasama ng bata ang mommy niya. By the way, nabasa ko lately yung blog nung wife ni Patrick Garcia. Baka sakaling makatulong din sa decision mo: http://www.nikkagarcia.com/a-boy-after-my-heart/
Đọc thêmKung para sakin awkward kung mismong husband mo may gusto na sya pa maghatid sa anak nila ng ex nya,I have the same situation pero Yong husband ko ayaw ipakita sa mama nya Yong anak nila,pero dahil sakin nakiusap Yong mama ng Bata as a mother na din pumayag ako na dalawin anak nya dto sa bahay.Kya sabihin mo sa asawa mo sis Yong ex nya mismo dadalaw hndi Yong Kayo Pa mag aadjust para sa mama Ng Bata at Kung ayaw nya,sabihin mo bigay nlng nya sa ex nya anak nila tapos ang usapan.
Đọc thêmYesha mahirap nga ang situation mo ngayon . As a mom ayaw naman nating ipag kait sa bata ang makasama ang tunay nyang ina . Cguro ang pinakamagandang gawin is pumayag ka na ihatid ito sa ina nya pero kasama ka wag mong hayaan na pumunta ang asawa mo ng wala ka . Or pwede naman na kunin ng ina nalang nya sa bahay nyo para alam mo ang nangyayari . Sa puntong ito di kana mababahala at di naman din masamang manigurado. Sana nakatulong ako sayo :)
Đọc thêmHi Mommy! The fact na nagpapaalam sayo ang husband mo means he cares about your feelings. Having said that, I think ayaw ka nya masaktan. So probably he's not planning to do anything stupid. But then again, ikaw pa din ang magdedecide jan. Tell your husband what's bothering you. Tutal nagtanong naman, so he's open talking about it. If gusto mong sumama, then say it. Relax Mommy! Overthinking leads to nowhere. 😊
Đọc thêmbakit kailangan siya pa maghatid? tutal sa inyo kamo nakatira yung anak niya sa iba, yung nanay nung bata ang pagsunduin mo sa bahay nyo tapos magspray ka ng anti-allergy baka kasi may kati kating dala. Prevention lang. 😂😂 Tapos siya din maghatid pauwi sa inyo. Wag na wag lalabas ng kwarto yang asawa mo pag andun yun ex niya. Kundi lalatayan ko yan. 😠
Đọc thêmNaalala ko tuloy ang NIDO commercial. Simula nung nagcheat sakin noon ang hubby ko, naging motto ko na ang "dibaleng praning wag lang tanga". Kailangan komportable ka sa sitwasyon. Di ko sinasabing wag ka pumayag, pero kailangan mong iopen sa kanya ang nararamdaman mo. Meron ba kayong ibang "option" para magkita o makuha nung EX niya yung bata?
Đọc thêmHi Yesha! Kung ikaw naman ang wife na inuuwian ng asawa mo, dapat may trust kayo sa isa't isa. Posibleng dati pa yung relasyon nila at wala na yung malisya, lalo na kung ikaw naman ang mahal niya. I think karapatan din ng stepson mo na makita niya ang biological mom niya once in a while :)
For me.. Mag kita na lang somewhere, kasama ka syempre.. Tapos sumama ka na din pag susunduin yung bata, ganyan ginagawa ko e. Magkikita na lang sa mall para Ihatid yung bata. Or Ihatid na lang nung mommy nya yung anak nya sa house nyo. Kailangan din umeffort nung mommy kung talagang gusto nyang makita yung anak nya :)
Đọc thêm