Dapat po bang mag pakasal pag aalis yung lalake? lalo't na may baby na kami
Nag ka baby n kasi kami ng hindi pa kasal, eh nag paplano umalis ung boyfriend ko para mag trabaho sa barko. Eh ung mga lola ko kasi sinasabi na dapat daw mag pakasal kmi bago umalis si boyfriend. Ano ba dapat kong gawin? Nakaka pressure na din kasi sa part ko na panay sila tanung ganyan ganto. Tyaka bata pa ko turning 22 palang ako this October at 27 naman si boyfriend. Naka apelyido din si baby sa boyfriend ko. Saka sinasabi din nila na kahit sa huwes lang muna. Dapat ba mag pakasal na kami?