10 Các câu trả lời
Its okay mommy! ganyan din ako. baby is day 6 today. bottle feed sya kasi dun sya nasanay pero ang ginawa ko is ipinapadede ko sya kahit hindi ako sure if meron bang lumalabas or wala. basta isipin mo lang na merong lumalabas. kahit magalit sya or parang magiba expression ng mukha go lang. ginawa ko din pala is pag alam kong malapit na sya gumising, nilalagay ko lang yung dede ko near her mouth. hindi ko finoforce, hinahayaan ko lang masanay sya sa smell and texture ng dede ko. then sobrang saya ko nung nung nag suck sya ng 6 times sa akin. its good! kasi alam kong may progression. wag mastress mommy. mas mahirap magpagatas pag stress. try also mag breast pump. para lumaki ang nipple and mas madaling ma latch ni baby. also, masanay si baby sa lasa ng milk natin 😊
Hi momsh, akala lng po natin wala tayong breastmilk sa mga unang araw ni baby.. newborn po kasi kasinglaki lng ng calamansi ang tummy nila kaya habang lumalaki si baby mas dumadami ang milk ntn depende sa demand ni baby, tyagaan lng po unli latch lang po and meron mga videos kung paano correct latching, nkakastress talaga pag naiyak si baby hndi ntn alam qng anong problem syempre hndi ntn tlga maiwasan magworry.. ngaun bka nipple confused na si baby mo kasi nakatry na sya ng bottle feeding pero wag kpa rn titigil magpaunli latch pta hndi lalo humina ang supply mo ng brrastmilk.. you can do it momsh!!!
Mi ako din ftm. Nung 1st week namin ni LO, akala ko wala din akong milk. Nung nasa hospital kasi kami, maya't maya iyak nya at panay din pa latch ko sakanya. Diko ramdam na may nakukuha syang milk. Kaya nung nadischarge na kami, ginawa ko naglaga ako ng dahon ng malunggay at yun madalas ko inumin. nakaka 1liter ata ako a day. tapos niresetahan ako ng natalac ng pedia ni LO. tapos nagtyaga ako na every 2hrs na mapalatch sya. hanggang sa ngayon ito 20days na si LO okay na breastfeeding ko. tyaga lang yan mi, kayang kaya nyo ni LO yan.
Nag nipple confuse na po kasi si baby mi. Akala lang po natin wala tayo breastmilk pero meron po yan. Di naman po need na tumatagas agad ang breastmilk natin kasi po si baby ang nagsisignal satin kung gaano kadami ang need nya po. If gusto po bumalik sa breastfeeding try nyo po yung drio drop method or cup feeding/spoon feeding. You can join din po Breastfeeding Pinays group in fb for more tips po. 😊 Dyan po ako nagbabad nong buntis pa lang ako hehe now 4 months na si baby ebf pa din kami. 🥰
Hello. As FTM I experienced this. But I took my OB's words to heart nung nag rounds siya sa hospital. Sabi niya "Hindi baby ang may ayaw, nanay ang walang tsaga." Kaya nung nakauwi na kami, kahit sobrang nakaka-FRUSTRATE! Lalo kapag nasabayan din ng iyak at frustration ni baby. Hindi ako nago-offer ng bottle sakaniya, as in STRESS na STRESS kong pinilit siya maglatch sakin. Wala, yun lang talaga solution that worked for me. I hope you find what will work for you.
Thank you Mommy.. hoping na maglatch sya. tyatyagain ko din, wala pa din ako masyado milk, 1 week na po. kaya cguro naiinis si baby.
same case po nung weeks palang si baby ayaw niya talaga maglatch sakin dahil ang liit ng nips ko tas inverted pa umiiyak at nagagalit talaga siya kay inooffer namin ang bottle, hanggang sa pinilit ko mi kasi nagkakakabag siya sa formula niya pati sa bote na ginamit namin tas nasanay na din siya ngayon marunong na siya maglatch siya sakin kahit nakahiga pa kami. Tyagaan lang talaga kahit sobrang sakit sa mga unang weeks.
Same po. Mag 2 mons na si baby ko and bottle feed sya. Nung 1st months im trying na padedehin sya, pero lagi sya galit. Isusuck nya mga 3x lang. Tapos aayaw na sya. Naawa ako pag iiyak na sya so inoofferan ko na formula
Yung sakin nman maliit nipples ko tapos inverted pa,kaya bottlefed sya since day 1 ngayon pag pinapatry ko sya i-latch sakin parang nandidiri sya na ewan.
same case po hanggang sa nasanay na si baby sa bottle feeding since newborn po kasi sya ayaw nya maglatch sa breast ko
Ang magandang paraan para dyan ay mag breastpump na lang po kayo. 😊
Reisyl Dimayuga