Do you remember the first time?
Naalala mo pa ba ng unang sumipa si baby? Nagulat ka ba? Nataranta? Naiyak? Share your sweet/funny/cute experiences here.
ang weird.. syempre first baby.. tapos may gagalaw galaw sa puson mo na wala naman dati nung dalaga ka.. pero habang palakas nang palakas ang kicks nia as weeks pass by.. nakakatuwa.. ang saya saya.. lalo kong minamahal ang baby ko...🥰🥰🥰🥰🥰
first kick ng baby ko nagulat ako. sa totoo lang kakaibang feeling. masarap sa pakiramdam at ang sarap ulit ulitin.💖 napasabi ako ng baby isa pang sipa paramdam mo kay mommy at nakuhanan ko pa ng vid.💖
Ako Kasi Nung naramdaman ko na sumipa si baby . Masaya Ako tlaga 😊 tapos gusto ko oras.x maramdaman ko sya na nag swimming.x sa loob Ng tummy ko . 22weeks and 4days na sya today medyo malakas na sya gumalaw . hehe Minsan napapaihi Ako . hehehe 😅
Nung first talaga sobrang kinilig. binibilang ko talaga. akala ko yun na yung nalakas na sipa. Nun nalaki na siya, ay grabe, anlakas na. minsan naiiyak nalang ako kasi kinakabahan ako baka ka ko ano na nangyayari sakanya sa loob ng tummy ko. 😂😂
na excite ako 🤗 nung naramdaman ko siyang sumipa, biglang dumami mga pangarap ko. gumanda takbo ng pag iisip ko. excited akong palakihin siya. excited akong makita siya at makasama. iba yung feeling 🤩🤩 sobrang nakakabago ng pananaw.
first sipa ni baby...naalala ko parang bubbles sa loob nang tiyan ko..talagang napa mangha ako at masaya kasi alam mo yon may baby sa loob nang tummy mo..saya at talagang bait ng Panginoon..kasi wala akong masabi sa blessing niya....
Sobrang nakaka kilig. Pinagkakatuwaan pa namin ng asawa ko nun una. Hanggang sa palakas na nang palakas ang sipa ni baby to the extent na umiiyak na ako kasi conflict yung time namin. Hyperactive siya kapag gusto ko nang matulog.
nagulat, natuwa at na relieved. mga 6 months ko na naramdaman galaw ni baby, sabi kasi nila dapat on the 4th month meron na. pero every check up naman nmin ok heart beat nya. ❤️
Super saya ko nun, at naluha talaga ako kasi Di ko talaga inaasahan na magkakababy na ako 6yrs bago ako na buntis kaya wala ng mas sasaya pa sa naramdaman ko sa unang sipa ng anak ko sa loob ng tiyan ko😊😘💛
sobrang tuwa ko nun at gulat na gulat di naman sa pagiging OA pero naluha talaga ako nun tas hinintay ko ulit gumalaw hihi tumawa na ako kase nakikiramdam din si baby👶❤️