katuwaan lang
Naalala mo ba kung paano kayo nagkakilala ni hubby mo? Share ko lang yung story namen. May nakilala ako sa rave party. Itago natin sa pangalang Mr. A. Isa sya sa mga nagsesecurity doon. Btw, pulis sya. Naging textmate ko until we decided to meet up sa isang restaurant. Habang otw na ko, may unknown number na nagtext, saying, "si Mr. A 'to, empty batt na ako, nakitext lang ako sa kasama ko, nandito na kami sa resto". And I was like, bat may kasama? Hanggang sa dumating na ko sa resto, pinakilala nya ko sa kasama nya. And that's Mr.B. Sobrang daldal nya. Kami lang nag uusap kasi sobrang tahimik ni Mr. A. After kumain, pumunta kami sa bar, inom ganon. Nung uuwi na ako, biglang sabi si Mr. B, "iiwan ko wallet sayo, bayaran mo nalang bill, ako na maghahatid sakanya". Literal na napanganga kami ni Mr. A hahaha. Kasi diba, hindi naman sya kameet ko tapos hindi sya maghahatid sakin pauwi haha Wala syang nagawa, si Mr. B talaga naghatid sakin pauwi. Kinabukasan, nagulat nalang ako kasi may naghatid ng food sa hospital na pinagdudutyhan ko. Yung kampo kasi eh katapat lang nung hospital. Hanggang sa kumalat sa kampo yung nangyari, inagaw daw ako ni Mr. B kay Mr. A. There was a time na pinapalinis daw sila ng barracks, then may nagsabi ng, "oo nga kelangan maglinis dito kasi may napakalaking ahas". Nalaman yun bg commander nila and pinag-usap sila kasi hindi daw pwedeng mag-away sila ng dahil sa isang babae. (haba ng hair ko) hahaha To make the long story short, I chose Mr. B. Why? Napaka sweet nya. Super mature mag-isip. And matyaga mangligaw. And para talagang hindi ko na pansinin si Mr. A which is kinukulit pa rin ako nung time na yon, Mr.B confessed that si Mr. A eh may asawa't anak na. Imagine? Gagawin akong kabet? So super thankful ako kay Mr. B kasi nilayo nya ako sa maling tao. And the rest is history. ❤ Kwento mo naman yung sainyo ?