Share ko lang.

Naaawa ako sa asawa ko, feeling ko wala akong silbi. Since high risk yung pregnancy ko nag stop ako mag work. Pero di pa ko resigned, naka medleave lang ako at may nakukuha aki sa sss every month. Pero yung asawa ko talaga yung sumoshoulder sa lahat ng gastos. Bills, pagkain, groceries, vitamins namin ng baby saka mga checkup. Naawa ako sa kanya kasi wala naman sa plano namin na mabuntis ako. Alam ko madami pa syang gustong ma-achieve at hindi nya talaga priority yung magkababy. Ako gusto ko na. Pinagbigyan nya ako kasi gusto ko na. Di pa nga kami kasal nung nabuntis ako eh. Naikasal kaminsa church nung 2 months preggy na ako. Feeling ko naitali ko sya ng sobrang aga. Never ko naman syang narinig na nagreklamo or sinumbatan ako. Sobrang bait nya at sobrang responsable. Nakokonsensya lang ako kasi nilagay ko sya sa sitwasyon na hindi pa naman sya ready pero pinipilit nyang maging ready para samin ni baby. In return naman pinagsisilbihan ko sya kahit hirap na akong gumalaw kasi yun lang ang magagawa ko para sa kanya sa ngayon. Hindi nya rin ako pinepressure na bumalik agad sa work pagkapanganak kasi sabi nya kaya naman nya. Medyo malaki din kasi sinasahod nya at kaya nya talaga kaming suportahan ni baby kahit di ako mag work. Pero ayoko ng ganun, nahihiya ako sa kanya, sobra. Never din syang tumingin sa iba or nagcheat sa akin kahit ang dami naman mas better sa akin. Di naman kasi ako ganun kaganda compared sa mga nakakasalamuha nya sa araw araw. Artistahin kasi yung asawa ko. Lol. (Sana kamukha nya baby boy namin). Kahit ang itim na ng batok at kili kili ko, saka sobrang taba ko na at magang maga ang ilong ko, sinasabihan pa din nya akong maganda kahit di naman talaga. Wala, sobrang swerte ko lang sa asawa ko. Hindi ko alam kung anong ginawa ko nung past life ko para madeserve tong tao na to. Nagpapasalamat ako kay Lord kasi binigay nya sakin yung asawa ko. ❤

79 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Momshie wag mo isipin na di nya ginusto magkabby din kasi ang lalaki pag auw tlga auw tlga pero tulad ng sinabe mo niwala ka narinig sa Kanya... Ibig sabihin gusto na din Nyan at handa na sya maging isang ama 😊 godbless na lang po .

Thành viên VIP

You are blessed! Enjoy your husband. He's doing what he wants, otherwise he wont stay. Maybe you feel guilty because preggies are emotional. Hehe. In any case, that's the essence of marriage, love, sacrifice and happiness.

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-120962)

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-120962)

Same tayu momshie. Ako nga hndi naman high risk preggy pero dhil ang bilis ko mapagod nagdecide ako magresign and supported nmn ni hubby. Sa ngaun all around housewife muna ako yun lng kasi miitulong ko sa kanya.

Hehehe. Magdiwang tayo dahil swerte tayo sa asawa naten😆😆 Nakakainis lang kase sinasabihan nya kong maganda kahit na yung tingin ko sa sarili ko e ang pangit pangit talaga.😅😑

Be thankful on what you have. Mas mabuti pa na sabihin mo sknya yan personal, para ma appreciate nya din effort mo and lahat ng sacrifices nya. Isa ka sa maswerte! Bigyan ng jacket yan.

same here sis kaya swerte tau. ganyan mga asawa natin .. high risk dn aq sis and oinag resign na nia aq sa work since nung una na miscarriage aq ... prayers are the best answers. 😊

Malaking blessing ang magkaroon ng anak sis. Wag ka na magpaka stress kakaisip ng kun ano2. Kahit anong sakripisyo kakayanin ng taong nagmamahal. God bless you and your growing family.

Gqniyan din embam ko mommy napaka bait kahit alam kong nahihirapan nasiya diniya pinapakita sakin pinaparamdam niya araw araw na mahal na mahal niya kame ng anak niya