Share ko lang.

Naaawa ako sa asawa ko, feeling ko wala akong silbi. Since high risk yung pregnancy ko nag stop ako mag work. Pero di pa ko resigned, naka medleave lang ako at may nakukuha aki sa sss every month. Pero yung asawa ko talaga yung sumoshoulder sa lahat ng gastos. Bills, pagkain, groceries, vitamins namin ng baby saka mga checkup. Naawa ako sa kanya kasi wala naman sa plano namin na mabuntis ako. Alam ko madami pa syang gustong ma-achieve at hindi nya talaga priority yung magkababy. Ako gusto ko na. Pinagbigyan nya ako kasi gusto ko na. Di pa nga kami kasal nung nabuntis ako eh. Naikasal kaminsa church nung 2 months preggy na ako. Feeling ko naitali ko sya ng sobrang aga. Never ko naman syang narinig na nagreklamo or sinumbatan ako. Sobrang bait nya at sobrang responsable. Nakokonsensya lang ako kasi nilagay ko sya sa sitwasyon na hindi pa naman sya ready pero pinipilit nyang maging ready para samin ni baby. In return naman pinagsisilbihan ko sya kahit hirap na akong gumalaw kasi yun lang ang magagawa ko para sa kanya sa ngayon. Hindi nya rin ako pinepressure na bumalik agad sa work pagkapanganak kasi sabi nya kaya naman nya. Medyo malaki din kasi sinasahod nya at kaya nya talaga kaming suportahan ni baby kahit di ako mag work. Pero ayoko ng ganun, nahihiya ako sa kanya, sobra. Never din syang tumingin sa iba or nagcheat sa akin kahit ang dami naman mas better sa akin. Di naman kasi ako ganun kaganda compared sa mga nakakasalamuha nya sa araw araw. Artistahin kasi yung asawa ko. Lol. (Sana kamukha nya baby boy namin). Kahit ang itim na ng batok at kili kili ko, saka sobrang taba ko na at magang maga ang ilong ko, sinasabihan pa din nya akong maganda kahit di naman talaga. Wala, sobrang swerte ko lang sa asawa ko. Hindi ko alam kung anong ginawa ko nung past life ko para madeserve tong tao na to. Nagpapasalamat ako kay Lord kasi binigay nya sakin yung asawa ko. ❤

79 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

yung asawa ko minsan lang kami magkita kasi nga nag wowork sya. pag nagkikita kamk nakikita ko yung pagod sakanya . naawa ako. sobra pero lagi niyang sinasabi. na wag daw akong mag alala kasi para rin naman daw yun sa anak ko at sa anak namin. tapos lagi kopa syang inaaway. pag nag kikita kami ayaw niya na humiwalay sakin. tapos lagi niyang bukang bibig kahit ang pangit ko na. lagi niyang binabanggit bakit ang ganda mo sobra mommy 😂😂 nakakaproud na may ganyang asawa 😍😍 blessing sila satin

Đọc thêm
Super Mom

You are blessed with a good husband sis. Treasure him and continue to be a loving wife, same sa situation namin ni hubby pareho kame malaki yung kita nung wala pa kameng baby and kaka start pa lang namin mag ipon nung nabuntis ako.. sa barko work namin so kailangan kong umuwi nung nabuntis ako at ngayon nanganak na ako sya lahat kasi wala na akong income.. na feel ko rin dati maging guilty pero naisip ko na lang na I will do my best to be a good wife at ibudget ng maayos ang pera namin.

Đọc thêm

alam mo mommy, wag ka masyado mag isip ng kung ano ano kasi lalo high risk ka. mastress ka maaapektuhan si baby. bawi ka na lang pag ok kana. hindi ka naman inoobliga ni hubby mo kasi naiintindihan nya sitwasyon mo. and kahit hindi nya priority ang mag kababy, pag yan lumabas na tingnan mo mag iiba yan. hindi lang din siguro sya vocal na tao para sabihin gaano sya kasaya na magkakababy na kayo. lam mo naman ang lalaki. kaya focus ka muna sa ssrili mo lalo sa pinagbubuntis mo.😊

Đọc thêm

Mommy, sa totoo lang sobrang swerte mo kay hubby mo. Iilan nalang yung ganyan ngayon. Since kasal na kayo, obligation nya na alagaan kayo ng baby mo. Mahalaga na nasa gitna lagi ang Diyos sa inyo. Kami ng partner ko, dami naming problema pero kada araw na nakaka survive kami, masaya na kami. At nag promise ako sa kanya na never namin pag aawayan ang financial. Magtulungan lang po kayo. Gumawa ng solusyon kesa problema. God bless po! 🙂

Đọc thêm

Ganyan din ako, resigned na at sya lahat ang gumagastos. Hindi din plano na mag ka baby at marami pa din sna sya gusto maabot although licensed engineer na sya at ok ang work nya. Pero ang sya nya na magkaka baby na kme, good provider talaga sya. Advice ko lang sis, imbes na mag self pitty at ma guilty tau, maging thankful nalang tayo at tulungan at suportahan sila sa mga pangarap natin as family. :)

Đọc thêm

ganian din ako kay hubby, naawa ako s kania kaya kahit hiro na ako minsan pinagsisilbihan ko prin sya kac masaya ako na nakikita kung msya sya, kahit pagluluto, pagtitimpla ng kape lang nggawa ko paguwi niya para mkabawi ako .. alam ko nahihirapan n sya pero d nia pinpakita sa akin dahil ayaw nia ako mastress thanks lord isip bata man ako binigyan namn ako ni lord ng matured na asawa

Đọc thêm

Mommy, sickness notification po yung finile ko. Kailangan po ng med cert na pirmado ng ob, tas yung nafillupan mo na sickness notification form (need din ng pirma ng ob), sickness reimbursement form, Ultrasound result, 2 valid ids with signature saka ng printed contribution nyo sa sss. Every month po nagpapasa ako nun. Medyo matagal bago dumating yung cheke pero malaking tulong po :)

Đọc thêm
6y trước

ahm dko sure pag gnun .. pero ask mo HR mo abt dun ..

swertehan lng talaga.Nakakailang kc pag nasanay ka na ngcshare. Ako din, 8yrs and 4months kmi mag bf, mhgt 2yrs live in at 3months ng kasal pero dahil xa nlng ngwowork ngaun dhl buntis ako, pg ngtatanong xa kung ano gusto kong pasalubong, nahihiya akong mgsabi pati pagpapa ultrasound sb q panu pg ipinaulit, magastos.. ok lng dw my budget dw xa para dun.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Ganyan din po hubby sobrang bait. kaya mahal na mahal ko sya, nung magkowa palang kmi tlgang buhay prinsesa ako, ngaung buntis nako buhay reyna na. lahat ng sahod nya sakin nya binibigay. wlang reklamo sa buhay khit mahirap dto sa manila kaysa sa buhay nya dun sa baguio mas pinili nya kong kasama. sana lahat ng lalaki mabuti sa lahat ng asawa nila.

Đọc thêm

sis huwag mo pong sabihing parang wala kang silbi. yung lang na nabuntis ka at mabibigyan mo na ng anak ang husband mo ay napakalaging bagay na iyon, it's a great blessing na kasi hindi lahat ng magasawa ay napapagkakalooban ng anak. pasalamat ka po sa Dios dahil napakabuti Nya sa iyo. ang mabait na asawa at magkaroon ng anak ay biyaya ng Dios.

Đọc thêm