Totoo po ba?

Na kapag formula milk hindi daw po tatalino ang bata? Ganyan po kasi sinasabi samin dito. Bakit daw di bf ang anak ko? Magiging mahina raw po ang utak niya at hindi raw po magiging healthy magiging sakitin pa raw po. Ganun po ba kababa ang tingin ng ibang tao sa mga mommies na formula milk ang pinapadede sa anak? Nakakalungkot lang po, sa totoo lang ayaw po kasi talaga niya noon dumede talaga sakin tapos hindi pa bf advocate yung pinanganakan ko kaya hindi nasanay sakin yung anak ko. Nakakasama lang po talaga ng loob na ganun yung tingin nila na mangyayari.

91 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ako sis ung dalawang anak ko isang 15 years old at isang 11 years old dati naka bearbrand lang at nagpapagiling ako begas para maging am..top 1 sa school nila since kinder until now so ndi ako naniniwalang dahil sa gatas kaya matalino or mahina ang utak ng isang bata...

Thành viên VIP

First Baby ko 2weeks ko lang BF pero hindi purong BF pinapadede ko rin sya formula milk noon. Tapos after 2weeks puro formula milk na. Matalino po Baby ko at hindi sakitin. Isang beses palang nahohospital awa ng diyos. Mag 4yrs old na sya sa December.

Post reply image

Hnd yan totoo ung anak nga ng tita q pure bf xah nun till mag 3yrs old pero mahina utak repeater sa school tpos sakitin pa samantalang sbi pag bf hnd rin skitin kea wla yan sa kng bf or formula nsa lahi padin yan now 10yrs old na ung anak ng tita q

hindi naman tutuo un momshie nasa bata po yun kung pano niyo tuturuan..yung kapatid ko at dati kung alaga matatalino ung mga yun consistent honor student yung mga yun fm po sila . nasa pagtuturo po yun sa bata. wag mo nalang sila pansinin momshie

hindi naman po cguro totoo actually ung dalawang anak ko isang 14 years old at isang 10 years old six months bear brand na tapos nagpagiling ako ng begas ginagawang am top 1 naman sa klase po hehe...until now wala namang pagbabago..

Di po totoo yan sis.. nasa sayo at sa anak mo po yan, S26 nga po maganda dn sa bata yun..pero mas maganda nga po kung BF pero may kanya kanya po kasi tayong dahilan. basta importante matutukan lang maigi c baby hanggang sa paglaki.

Not true po,un po pamangkin nmin since birth formula milk n gamit nya pro ngayon super active & smart nman po cya,kz ntutukan ng lola n nag aalaga s knya..english speaking p cya,kya minsan nose bleed po km s knya..😃😃

di po totoo yan... baby ko formula fed, pero nkikita ko na matalino si baby... katulad ng kapag nalusot yung legs ni baby sa railings ng crib nya, di ko tinuruan kung pano ialis,, pero alam nya tanggalin 😁😁😁

Hindi po totoo ung depende sa lahi nag magulang yan. Ung first baby ko pure breastfeed gang 2 siya ung 2nd baby ko 3 months palang formula na sia mas mabilis mag pickup ung pangalawa kong baby kesa sa una.

I don't believe so. Pero malaki difference ng formula milk at breastmilk syempre po mas masustansya ang breastmilk. Pero kung pagdating sa talino --- nasa tulong po yan ng magulang at pagsisikap ng anak.