Help naman mga mommy please, may ubo at sipon ako po ako, parang sobrang dami kong plema

Na hindi mailabas, tsaka sinisipon ako. Currently 6months po. Natatakot ako baka maapektuhan si baby neto, any suggestions po ano pwedeng gawin mawala itong ubo at sipon 🙏. Sa pagbabahing din, parang nahirapan ako kasi malakas at nag eexcert ng force yung tummy ko.

15 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Last week po mamsh, ganyan din ako. 24 weeks po ako, nahawa sa isang anak ko. Nagsimula symptoms ko ng Friday, medyo may something sa lalamunan. Weekend, unang lumabas sipon tapos blocked nose, then Monday ubo naman. Napapraning na ako, nagpa check up ako sa company doctor, pinag RT PCR to be sure. Thankfully, negative naman. Nag water therapy (room temp or luke warm), hot calamansi, salabat at lemon water. Lots of fruits and veggies, nag ok si doc (ob) na mag sodium ascorbate pa ako bukod sa multi vitamins to help. Inadvise ako na pwede mag Lagundi, pero d ako uminom. Talagang pahinga po ginawa ko, madalas nagtutulog at inom/ kain ng healthy lalo na citrus fruits. Natakot din po ako kasi ung dry cough ko, hanggang singit ramdam ko ung pressure kapag bumibirit ng ubo. Thankfully, after 1 week nawala. Rest ka po, mommy. Magiging ok din kayo ni baby.

Đọc thêm

I had cough and cold for a week. I tried water therapy, hot lemon or kalamansi juice with ginger and honey drink peo di parin gumaling. Umabot na po sa point na medyo masakit na po sa puson kung uubo lalo na kung naka higa. After a week nagpa check up na po ako. Nagalit c ob. 😅 She gave me prescribed medicine for preggy (medyo pricy) and then gumaling na po agad. Pa check up na po mommy.

Đọc thêm
3y trước

Sige po mi, subokan kopo muna water therapy at ginger. Kapag mag 1 week, pa check up na po ako. Salamat mi!

Inom ka lemon pero ang water is maligamgam☺️ Kagagaling ko lang din po sa ubo, sipon tapos may lagnat pa nga eh. Inom lang ako lemon sa gabi then tubig lang po ng tubig. 4 months preggy palang ako. ngayon okay na ☺️

Try to talk to your OB para sa tamang gamot pang buntis. naalala ko dati twice ako nilagnat while pregnant.. tapos nawalan ako panlasa at pang amoy for 2 weeks.. pero vitamins ako ng vitamins para maging ok si baby .

Naexp ko yan mii 34 weeks preggy ako nun, as in trangkaso siya, ubo, sipon at lagnat. Once lang ako uminom ng biogesic nung talagang hindi ko na kaya. Then ginagawan ako ng salabat ni hubby. Nilalagyan niya ng honey.

Ako po sinipon at ubo..warm water and salabat lang po iniinom ko..nangangati palang po ang lalamunan ko.nainom nako ng warm water at salabat kaya hindi tumagal ang ubo at sipon ko..iwas din muna sa malamig na inumin.

momshie kakawala lang din ng ubot sipon ako tas nagpacheck up ako sa ob ko gusto nong nurse sa hospital ako magpunta, haiyst e sswab lang nila ako ang ginawa ko moms nah inom nalang ako ng kalamansi honey at luya

3y trước

yes moms, yan lang din ginawa ko ei tsaka yung mainit na tubig umagat hapon yun moms ,

wag ka lang mi kakain nang matatamis kase nakakapalala yun, tas inum kalang maraming tubig lagi tas mag lemon juice kadin, ganun lang ginawa ko nung halos 2weeks akong nag ka ubo't sipon.

magpa check up po minsan po si ob po mag bbgay ng gamot na pwede sa buntis laban sa cough and sipon tsaka kelangan pampakapit kasi baka bumuka cervix sa kaka ubo orbahing

Pacheck up ka po para maresetahan ka ng tamang gamot. Flu season kasi ngayon. Di ka ba nirequire ni ob mag pa flu vax? Para sana nakaiwas ka sa ganyan

3y trước

Public hospital lang po kasi napapa check upan ko kasi ito lang malapit saamin, kaya hirap magkaroon ng OB na makakausap sa lahat ng gusto ko itanong etc. Tsaka pahirapan makapag pa check mahaba pila. Kaso need para magpa record kasi dito ako manganganak. Anti Tetanus lang advice niya sakin. Salamat sa pagsagot mi.