Stress sa asawa

Hi mums. FTM here. 30weeks pregnant. Super stress ako sa asawa/live-in partner ko. Hindi sya makahanap ng trabaho. Laging bagsak sa mga interview. Basta may interview di sya makapasa lagi. Laging nalulutang. Magaling naman sana sumagot. Malapit nako manganak pero wala pa rin trabaho. Sa 7years namin. Halos ako lahat nagprovide pati sa pamilya nya. Ngayon wala akong trabaho dahil buntis. Nababaon nako sa utang sa mga kaibigan ko. Pero sya petiks pa din at inom mobile legends pa din inaatupag. Gusto ko na kumawala 😭 Na hindi ko kaya. Dahil tagal nameng pinangarap magka-anak. Pero etong nandito na, di ko pa rin nakakakitaan na magsipag. Kahit gawaing bahay, ako lahat. Gusto babangon nalang ng kakain nalang sya. Tapos sasabihin saken, "aasawa-asawa ka kase ng tamad". Anak mayaman sya, pero last 7yrs ago ng nagkakilala kame, bumagsak ang buhay nila. Kaya ako nagprovide. Kaso nakakasawa na.. 😭 di ko na alam gagawin ko.. oo mali ko kase sinanay ko na ganon sya. Kaso diba dapat alam nyang family na binubuo namen ngayon, sana magsipag sya? 😭

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mahirap baguhin ang nakasanayan na. Mahirap ituwid ang baluktot. Hindi enough na mahal mo ang isang tao, Dapat mahal ka rin niya. Kung mahal ka niya pipilitin niya mag bago para sa maayos na relationship niyo at magiging anak niyo hindi yung sasagutin ka ng "nagasawa ka kasi ng tamad." Hindi dahilan yun. Obvious na gusto niya at sanay siya sa madaling buhay. Hindi ka ganon ka priority.

Đọc thêm