34 Weeks Pregnant, Nag Cephalic Presentation na si Baby
Mula nung 29 weeks siya naka transverse si baby ko palagi. Pero nitong check up ko recently, I am already on my 34th week - nag cephalic presentation na si baby. Nasa 2270 grams na siya which is tama lang daw na laki niya by this week. Nag ooverthink lang ba ako, kasi naiisip ko baka mamaya mag transverse na naman siya sa next check up :'( Ang priority ko pa rin po talaga is yung safety niya, so kung saan po palarin na maideliver si baby... doon ako. Kaso, alam nyo yung ganung feeling mga mommies? Na siyempre... Kahit paano, nagiging hopeful po ako na sana maideliver ko ng via normal delivery si baby. #firsttimemom #firstbaby
