pedia
monthly po ba need magpacheck up ni baby? magkano kaya aabutin per check up?
1month to 6 months kelangan tlga every month kase ichecheck nila timbang nya at may kailangan e inject pero d naman kailangan sa private, sa health centers libre. Aq pag kinakailangang ipunta sa private dun q lang tlga pinupunta si baby, ask the doctor kung ano yung mga kailangan e inject kay baby na wala sa health centers para updated ka mommy. Para tipid na rin.
Đọc thêmSa ngayon kay lo monthly sya. 2 months palang sya at pangalawang check nya last Aug. 7. Unang check up is 8,500 for 6-in-1 vaccine and rotavirus first dose. Pangalawang check up is 5,000 for Pneumococcal vaccine first dose din.
Magastos talaga mga mamsh. Ganyan din baby ko sa private kame siguro nagastos talaga namin kada inject gang matapos nasa 40K na. Kinumpleto talaga namin Para din sa anak namin ehh. Magastos pero tipid sa ibang bagay.
Kame di monthly ang schedule ng check up. Pedia nagaadvise kung kelan at anong vaccine ang scheduled Kung magkano per check up depende if may schedule kayong vaccine or other procedure and depende s rates ng pedia
Depends on your pedia. Pwede naman kayo magpacheck up sa mga government hospital para libre. May well baby day sila kung kelan mga healthy babies lang tinitignan at di nakakahalubilo mga may sakit.
Meron pong immunization shots si baby, that will depend po sa sched as advised by the Pedia. Pwede din po kayo mag ask sa nearest Health Center. Yung check up po kasi will depend din po sa doctor.
hndi nman po monthly,kung vaccine po meron s mga center libre,kung my sakit po tsaka pcheck up s pedia,ang byad po s pedia dpende po cguro kc s VT maternity 250 lng po ky doktora villon
kami po monthly nagpapa check up s pedia.. ung subida nya 300 lng naman tpos if may mga vits.minsan nagbibigay sya tska mga paracetamol libre naman po nya binibigay
hindi naman every month.. sasabihin naman ng pedia kung kelan ka babalik para icheckup si baby.. depende sa rate ng doctor kung magkano.
Yes. Sa una ganyan talaga para mas mamonitor nila lalo kung first time mom ka need mo talaga ipacheck si baby lage sa pedia