Hi momshies!! Team May kami ni baby and hoping na ma breastfeed ko siya. Kaso worried ako na baka hindi siya makadede kasi yung nipples ko hindi siya labas na labas -- flat siya nung before pregnancy ngayon mejo lumabas siya pero hindi kagaya sa ibang relative mommies na nakita ko nagpabreastfeed. So iniisip ko if bibili na ba ako ng pump before manganak or after a few weeks nalang pag sure na makakapag breastfeed si baby? Also, ano magandang brand? Hihi thank you!!!