.
hi momshies!! maglalabas lang ako ng kalungkutan dito haha :( nalulungkot ako next week manganganak na ko pero hanggang ngayon hindi padin kumpleto gamit ni baby kahit yung essentials lang. yung bf ko sobrang busy po sa pagccomputer everytime na sinasabi ko na mamili kami ng gamit palaging "oo" sagot nya pero maya maya magcocomputer sya tapos makakalimutan na yung mamimili kami ng gamit ni baby. di ko rin naman po sya makausap pag nagccomputer sya dahil pag mama nya nga po kumakausap sa kanya habang naglalaro sya eh galit na galit po agad sya and madalas nagmumura pa sya dahil sa inis ayoko din naman po mangulit baka sabihin nya masyado ko sya kinukulit sa pagpapabili ng gamit ng anak namin. sya lang naman po kasi may kaya sumuporta sa needs namin ni baby dahil may pera sya and sinabi nya naman po na ibibigay nya needs ni baby, di ako makapagsabi sa parents ko kasi po enough na yung sweldo ng papa ko sa pagaaral ng kapatid ko and sa pagbabayad ng mga bills, utang. nagkukulang pa nga yun dahil sa mahal ng bilihin ngayon.. madalas winiwish ko nalang na sana mayaman ako para mabigay ko lahat ng pangangailangan ng baby ko lalo na next week lalabas na sya. sobrang gusto ko mamili ng gamit kaso wala akong pera pangbili. naawa lang ako sobra sa anak ko gusto ko magkaron sya ng magandang buhay pero ewan ko ang hirap.. ang hirap maging mahirap sa panahon ngayon.