Uy, I feel you, ganyan din nangyari sa akin, parang bumalik lahat ng dami pag nag-work na ulit haha! Eight months pa lang kaya okay pa rin, kaya mo yan. A few of us CS moms, we started with walking talaga, super safe, walang strain sa incision, at honestly nakaka-help sa metabolism especially pag brisk walking na. One of my friends swears na pag nag-combine ng walking with core exercises (like modified planks, pelvic tilts, nothing heavy!) at nag-reduce din siya ng snacking habang nag-work, sobrang tumaas ang progress niya, but basta clear muna sa OB mo na ready na for exercise kasi CS kailangan ng mas mahabang recovery period talaga.