Is it normal for babies to sleep during breastfeeding?

Hi momshies, FTM here baby boy via CS. 4kg si baby and at first few days nag bottle feed ako sakanya ng formula kasi hirap mag breastfeed. Pero now, running 2 weeks and 4 days na sya mix na kami but I'm trying to do more breastfeeding. I am just concerned kasi i can't tell if nabubusog na ba si baby because of the ff: * During pump, madalang ako maka 2 oz both breast na po sya. * Natutulog si baby during latch within 3 to 4 minutes, patigil tigil yung inom nya parang nag papause pero di nya nilelet go so ako na nagtatanggal lalo kapag di na sya nagalaw. * Nakaka 4 to 5 latch or more na kami within an hour, makakatulog ng ilang minutes then iiyak. Kahit napa burp na. I need some tips if ganito rin ba naeexperience nyo sa babies nyo. Next appointment ni baby sa pedia is next month pa, i am just paranoid lalo na pag umiiyak sya but my husband keeps on reminding me that our baby is not sick (No need mag ER) and we # just need time to figure him out. Help mga mommies.

4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi Mommy.. Yes normal na normal po na makakatulog ang babies during breastfeeding and feed on demand po kapaga newborn and di pa po marami yung need nila inomin kasi hindi pa kaya ng tummy nila, maliit lang need nila, kaya po feed on demand sila kasi madalas maraming wee and poop output sila in a day. Ang basis niyo po is wee/poop output if nakakarami kayo ng diaper sa isang araw it means nakaka inom po sya ng marami.. Okay lang po ang 2oz na output kasi newborn pa naman baby niyo. During your bf session if di niya natanggal at nakatulog siya pero ginalaw mo is di na naglatch it means busog na sya. Baka umiiyak sya dahil need nag change diaper or swaddle para makatulog nag-aadjust pa din kasi yung baby sa outside world. May mga newborn talaga na iiyak palagi kasi unfamiliar pa po ang outside world sa kanya kaya try to swaddle your baby it makes them feel na nasa womb pa sila until such time they realized na nakalabas na pala sila. May nabasa din kasi ako minsan nami-miss nila ang loob ng tummy natin kasi di na same as nasa labas yung warmth na nafe-feel nila. You are doing great po, keep latching kaysa magpump po para mafeel ni baby na nasa safe place po siya under your arms. If worried sa tahi po, naka upo lang kayo while latching.

Đọc thêm
2mo trước

+dadami po BM niyo once po tataas demand ni baby, nasa kay baby kasi talaga ang basis kong ilang oz needed niya per feed, so your baby stimulates the brain, and the brain will do its work to the breast.

Hi, mommy if you want to boost your supply do power pumping and magic 8, feed your baby whenever he's hungry and parallel pump at the same time. Check your flange size too baka din kasi mali lang flange size mo kaya konti napapump mo. Falling asleep at the breast is a normal behavior, it's an indication na busog na si baby. Hindi lang naman hunger ang cause ng pag-iyak ni baby. Check mo din diaper niya baka need na palitan, kung naiinitan o nilalamig siya, kung ngalay na siya sa pwesto niya or baka gusto niya magpabuhat. Iyakin pa talaga sila kasi nag-aadjust pa sila sa outside world. It will get better soon. ♥️

Đọc thêm

You can tell if enough ang nakukuha niyang milk kung may output siya (poop and/or wee). Hindi din basehan ng dami ng breastmilk ang pumped output mo, iba pa din kasi ang pag suck ng babies kesa sa pumps. Also, 2 oz is a normal amount of pumped breastmilk for 2 months pp. Wag ma-pressure magpa dami ng breastmilk, mahirap din maging oversupplier ng BM. Pero kung gusto mo talaga dumami pa milk mo, unli latch and power pumping ang effective. If you want or need further support with breastfeeding, I recommend you check the FB page "Arugaan". They offer lactation counseling and lactation massage.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hi mommy! All your concerns are normal. Here are my inputs po mii. - Pumped milk volume would matter if before and after latch ka po nagpump. If before latching, 2oz is normal sa postpartum age nyo and if after latching naman po, marami na ang 2oz. - Its normal to some babies to fall asleep while breastfeeding. Meaning, they are full and comfortable. Medyo di pa din kalakihan yung tummy size nila so frequent yung paghingi nila ng milk. Breastmilk is easy to digest din po mommy compared to formula kaya mas frequent sila hihingi ng milk. I hope it helps. You're doing great, mommy. 😉

Đọc thêm