Breastmilk
Momshies ano pong pwedeng inumin para dumami ang gatas ko para kay baby, maliban sa powdered milk. Breastfeeding kasi want ko pero dahil unti lang gatas na lumalabas nagpopowdered milk rin si baby, mixed ginagawa ko. Tia ?
lagi may sabaw ang ulam tpos lagi may halo malungay 😉 then padede ng padede para lalo ka magproduce ng milk 😉 ako ksi khit hindi magsabaw napakarami kong gatas nagbibigay din ako dati sa pamangkin ko bagong panganak din ksi sobra sobra gatas ko eh...
Sis wag kang mag mix feeding talagang kokonti ang gatas na lalabas sayo. May nabasa ako kung ilan daw oz na dedede ni baby sa formula milk ganon din ang nawawala sayo. Ipa latch molang mommy. At dapat marami water iniinum mo at masasabaw na pagkain.
Palatch lagi si baby. Kumain ng masabaw na ulam like tinola na may dahon ng malunggay. Uminom ng malunggay capsules, keep yourself hydrated.
mommy hihina talaga gatas mo pag pinag mix feed mo sya ,kung gaano ka dami ang iniinom nyang powder milk ,ganun din karami mawawala sayo
Dapat po snayin mo sya na dumede sau kasi ang milk supply po on demand po. Depende po sa demand ng milk ang mgging supply ng milk mo.
ang ginagawa ko po sa first baby ko is pinapakuluan ko po ung dahon ng malunggay 1cup po..tpos nilalagyan ko ng milo..
Nakatulong po sakin masasabaw na ulam at malungay.. Tsayaga sa pag papa dede Para mag produce PA Lalo ng marami ng milk...
Mother Nurture Coffee or Choco Mix, M2 Malunggay Drink, masasabaw na paglainand more water.
Malunggay soup tsaka sea foods, specially shells
natalac po , yun po ginamit ko dumami na milk ko ..
Magkano ang isa ..tsaka paano i take ?maam?