Need adviceee payakap lang

Hi momshieesss what should i do po ba? Yung tatay po kasi ng anak ko eh bigla nanaman nag paramdam, halos araw araw bumibisita dito sa bahay namin para kumustahin yung bata, makarga at mahalikan but it last for less than 10mns lang naman at umaalis na rin sya. 4mos preggy pa lang po ako hiwalay na kami sa kadahilanang nahuli ko syang pini-please nya ex nya na magbalikan daw sila at sabihin ba naman dun sa girl na sa kanya na lang daw bubuo ng masayang pamilya at susustentuhan na lang daw nya anak ko. Isang beses pa na nahuli ko yung chat nya sa isang girl sa messenger na i-deep thro** na langvdaw sya para mawala problema nya AND SO ON!! That was so sht! Sobrang dinamdam ko yun at marami pang stress na dumating kaya napag desisyunan kong umuwi ng probinsya para makahinga hinga sa toxic na dulot ng paligid ko Ff. Pag uwi ko galing probinsya nag bago ang lahat, naging okay. AKALA KO OKAY NA kasi okay kami pero nahuli ko nanaman na ilang weeks na lang pala ikakasal na sya dun sa ex nya. Tngna! Stress nanaman si watsmi that time hahahahah sakto fiesta nun samin kaya forda shot puno ako plus may pa-hydro party ang aming brgy kaya ayun shot sa hydro partyyy!! Then ayun na nga after nung fiesta kinompronta ko na sya na ikakasal na pala sya (ako na nag sabi kasi wala syang balak sabihin sakin eh). I pleased him. I REALLY DO. First time kong mag makaawa na ako na lang yung piliin, na kami na lang nung anak namin yung piliin nya pero wala. Sinulit kong mag makaawa sa kanya bago dumating yung araw na ikakasal na sya until nalaman ko na nabuntis nya pala yung ex nya nung mga panahon na nagpapalamig ako sa probinsya kaya ikakasal sila. Vff. Hinayaan ko silang maging masaya. Hindi ako humadlang sa kagustuhan nila. Nasa isip ko, bata pa naman ako and I CAN DO MORE AND BETTER THIS TIME at baka hindi talaga kami para sa isa't isa. Nairaos ko yung pag bubuntis ko and 2mos na ngayon ang baby boy ko. Mahirap, oo pero kinakaya at kakayanin pa lalo. Ang nakaka-bothered lang eh yung pag bisita nya nga dito samin. Silup sya. Hindi ko talaga inapelyido sa kanya yung anak ko dahil nag bubuntis pa lang ako mag aabot sya 1000? 500? Sa isang buwan?! Hindi na minamaliit ko pero hindi naman kasi tama yun dba? Hindi pa buwan buwan yun ah! Tas itong nanganak ako nag abot lang ng diaper, wipes, sabon at gatas tas nawala na ulit tapos nung malapit na mag 2mos baby ko bumalik sya ito nga, inaaraw araw yung pag bisita dito. Tbh, neto lang nag abot sya ng 2k, good for 1mos na daw. Mga mimakerls, wala naman sigurong masama kung hindi na ako tumanggap ng pera mula sa kanya no? Kasi kaya ko naman eh. Pero okay rin bang mag demand ako na huwag na syang magpakita samin since wala naman talaga syang matinong ambag sa buhay namin mag ina. Advice naman pooooo pasensya na sa mahaba habang istorya at maraming salamat dahil tinapos nyo ang kwento ko 🫶

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi mamii, ang hirap naman ng pinagdaanan mo sa lalaking yan. opo kung ako ikaw hayaan nyo sya, sakit sa ulo po ang lalaking yun. mahalin nyo nalang yung sarili nyo at ang anak nyo, kayo nalang dalawa wag nyo na sya isama. Kaya nyo naman buhayin ang bata, ginawa nyo na lahat para kayo ang samahan nya, pero grabe ang ginawa nya sa inyo, hindi nyo po deserve yan mami.. sana one day mahanap nyo ang love na para sa inyo pero focus po muna kayo sa baby nyo sa ngayon. hugs mamii.. ♥

Đọc thêm
2y trước

opo literal na sakit sya sa ulo jusq. gusto pa nga ako maging kabit eh, sabi nya pa masyado ko daw inaano yung pagiging kasal nya eh papel lang naman daw yun. pulis pero di malaman san utak nya 😪

Hnd ba kayo kasal mamshie? Kung kaya mo naman buhayin kht wag ka na tumanggap ng pera. Sabihin mo nlng na ipunin nya at ibigay nya sa bata pg malaki na sila. Pwede ka din mgpunta at mgpaadvise sa attorney kung gusto mo na wag lumapit ung ama nung mga anak mo sainyo. May mga cases naman na bawal lumapit sainyo ang mga tao na ayaw mo pero ang alam ko kelangan neo kng mgfile legally. Lalo na mamshie kung hnd ka pinakasalan nung lalaki at kasal sya sa ibang babae.

Đọc thêm
2y trước

ay ganun po? may ganun po pala?? salamat po sa adviceeee pag may time po ako pupunta po ako ng PAO para ipakunsulta yang suggestion nyo marami pong salamaattt ☺️💖