6 Các câu trả lời
enjoy the process. if you keep on worrying and stressing and thinking ng negative thoughts, nagbubuild up yan sa katawan, baka mahirapan ka at ending di mo pa mainormal delivery si baby. It's a matter of positive thinking lang. Ako excited na manganak, team march din ako. cant wait na marinig na ang iyak at mayakap ko na ang baby girl ko.. dahil sa una kong pagbubuntis (team march din yun sana 3yrs ago. same sila ng edd ng baby ko ngayon), walang iyak ng baby ko akong narinig kundi iyak ko lang kasi di ko man lang ipinapanganak , nawala na sya agad, so sobrang excited na ako ngayon maideliver na sya kasi ramdam ko na malikot at masigla ang baby ko. Just pray lang, talk to your baby always at watch helpful videos na makakatulong sa panganganak mo. Godbless you.
hi momi, wag po magpaka stress ☺️ Kausapin nyo si baby ng kausapin, sabihin nyo na wag kayo pahirapan and lumabas agad. Pagka malapit na din ang due nyo or nag lilabor ka na iwasan mong magpakapagod like umiyak or sumigaw. Focus ka lang sa goal na mailabas si baby, makinig sa Doctor, inhale exhale pagka walang hilab then umire pagka humilab na. Makakatulong din if lakad2 na pagka 37weeks, squats and more water po. Have a safe delivery momi kaya mo yan 💪🏻 btw, team march din kame ng baby boy ko 😁
hello, ftm here! I encourage you to watch child birth preparations. I guarantee you that you'll feel empowered since you know the steps from labor to delivery. ayan yung palaging advise ni OB sa'kin which is a gentle birth, water birth, and VBAC advocate. Fear is always there pero once you're guided, you know what to do and kung nasaang part ka na ng labor 🙂
laban lang mumsh,team march din ako 2nd baby,remember we are so blessed to expirience being a mom!itatrial labor na ako ni OB pagka37 weeks kasi sabi ko gusto kong magVBAC,sana makayanan ko mainormal. Worried din ako but need to be positive! Don't Forget to Pray mumsh,ibigay mo lahat Sakanya ang worries and anxieties mo.Kaya yan!💪💪
Wag ka po matakot, mas lalo ka po mahirapan kung stress ka na manganganak. Isipin mo na lang makikita mo na si baby at matatapos na ang pagbubuntis natin. Ako excited ako manganak team march din gusto ko na pabilisin yung araw kasi gusto ko na makita si baby.
Same here. 7 months na din. lakasan mo lang loob mo.. i am ready to be mom naman pero medjo nagaalala din ako.. i keep on praying and willing to accept all the pain for my baby.. ftm din im just enjoying the last months now while still pregnant..