OB
Momsh naranasan nyo na po ba na nag pa check up kayo sa ob nyo na hnd sya pala explain sa mga ginagawa nya sayo ang tipid mag salita kung hnd ka magtatanong kung ok ba heart beat ni baby o ok lang ba sya dun sa loob hnd rin mag sasabi parang nakakailang magtanong kasi subrang seryoso ang expression ng face, parang napapaisip tuloy ako mag palit ng ob tingin nyo po mga momsh?
True! Yung sakin naman madaldal kaso pag may tanong ako minsan feeling ko binabara nya ako sa sagot nya. Like tatanong ako kung normal ba ganito ganyan sasabihin nya "hindi bakit ako wala naman akong ganyan" eh ang ibig ko sabihin kung normal ba sating mga buntis, hindi naman sya buntis 😅 minsan nag aasaran nalang kami ni hubby after check up kung naka ilang points ng pangbabara sakin si doc tho mabait naman sya yun lang talaga prob 😊
Đọc thêmSame. Yung ob ko nung una parang laging nagmamadali. Yung 2nd visit chineck lang kung may heartbeat si baby, sabi nya ok daw di ko manlang narinig alin dun yung heartbeat. Wala pa ata kong 5mins don sa loob. Kaya nagpalit na ko, ayun ok naman yung current. May sarili syang ultasound machine tapos ineexplain nya. Tapos bago matapos sinisigurado nya na wala na akong tanong. Masmura pa sakanya.
Đọc thêmNever ko pa nama po naexperience yn momsh. Swerte ko sa OB ko, sya na dr ko ever since nabuntis ako sa panganay ko. Super maalaga sya. Lahat ng procedures and mga gamot na pina take nya sinasabi nya kung para saan. Kaya kahit lumipat sya ng ospital sinundan ko tlga kasi alam ko na pano sya magalaga ng pasyente. Nagrereply din sya sa mga text and calls ko kapag may nararamdaman ako na iba.
Đọc thêmMali yun dapat ineexplain nya sayo ng mabuti ang mga nangyayari sayo saka sa baby mo. Dapat hindi mo nafe-feel na nahihiya magtanong sa OB kung may questions ka. Kaya mas mabuti maghanap ka na po ng ibang OB dahil sya po magpapa anak sayo. Ang hirap manghula ng dapat gawin lalo kung first time mom.
Dapat sis ung OB mo parang friends mo.. dapat comfortable ka lahat ng nararamdaman, lahat ng gusto mo itanong tungkol sa pagbubuntis mo e maexplain nya sayo.. sayang dn se binabayad mo kung ganun lang parang wala lang, dapat friendly ung OB mo at di ka inisstress.. ung tipong palalakasin loob mo..
Mas maganda lipat ka nlng po.... Naxperience ko aman ung ob ko gamit nya stetoscope lng tas medyo cra pa... Yun gamit nya pagdinig heartbeat ni baby.... Mas maganda dupler.... Lipat ka nlng po... Para din sa kalusugan ni baby.... Wag ka po mgmatakot mgtanu kc work po nila yan..
same yung unang ob ko ultrasound lang yung ginawa niya tapos sabi niya naman ok naman si baby tapos hindi niya ako niresetahan ng mga vitamins or kung ano pa na kailangan ko basta nung paalis ako may sinabi siyang date sakin bumalik nalang daw ako kung gusto ko 🤣🤣
Palit ka ng ob mommy. Sa akin unang ob,medyo may edad na at seryoso at parang hirap e approach. Tapos lumipat kami sa ibang ob na resident sa ospital kung san ako manganganak. Dalaga pa sya that time, kaya ang daling e approach at minsan nakaka pag joke pa.
I feel you sis,nakadalawang palit na nga din ako ng ob dahil sa ganong attitude nila,iniisip ko tuloy kung ganon ba tlga ang mga oB(sorry sa mga OB sa app na to)please feed our curiosity.Pagtapos ng ultrasound,magrereseta na lang gamot,taz sabay abot sa pharmacy..
Ganyan din oby ko dito sa makati. Kaasar! Tuwing check up ko konting ikot lang sa tiyan ko okay na wala ng salita salita, Di katulad nung oby ko sa Cavite sa panganay ko, bawat check up sinasabi niya sakin yung mga pagbabago ng baby. Iniexplain niya.