Baby Dandruff?
Hi momsh.. Ano kaya maganda gawin kasi may dandruff lo ko? He's turning 4 months this friday. Dapat po ba everyday ang shampooing ni baby? Thanks sa sasagot. Keep safe mga momsh & your family ?
Cradle cap po tawag jan mommy. Normal lang yan sa babies and sometimes nawawala sya ng kusa but if you want na tanggalin sya, coconut oil or baby oil po ipahid mo sa anit ni baby at ibang affected area. tas suklayin mo hanggang matanggal, saka mo liguin si baby. repeat mo ung pagsuklay after kasi mas malambot na yan at madaling mababakbak. Don't worry hindi po nakakaaffect o nakakasakit sa baby yan.
Đọc thêmCoconut oil. 1hr po bago paliguan si baby lagyan po yung anit niya then habang pinapaliguan scrub ng cotton na tela yung ulo niya mild lang po pagscrub. Yan ginawa ko sa baby ko, nawala siya. Ako kismo gumawa ng coconut oil kasi mas safe siya compare baby oil. Mainit kasi sa balat ni baby ang baby oil dahil may chemicals ng kasama yung mga nabibili sa labas.
Đọc thêmBaby Dove Sensitive Fragrance Free gamitin nyo moms, tapos pag pinaliligoan nyo si lo gamit po kayo ng bimpo lagyan ng baby dove sensitive head to toe wash, yun po gamitin nyo to scrub sa scalp ni bby po... siguradohin nyo po na tanggal lahat ng soap... tapos put oil after maligo
Nakaka dandruff din ung shampoo mommy lalo pag di nabanlawan mabuti. Maaalis din naman po yan. Less shampoo nalang po gamitin tas kung di naman madumi ulo ni baby, water lang hanggang sa mawala dandruffs. Suklayin din po siya 😊
kami nilalagyan nmin sya oil sa buhok bago maligo then shampoo everyday, never nmin sya sinuklayan..malambot pa kasi anit nyan wala na syang balakubak since 1 1/2 month he's turning 4 monthsvtjis coming May 9
Đọc thêmMomsh coconut oil po gamitin nyo. Wag baby oil dahil mainit po yun sa balat. Nagkamali dn ako ng lagay. Baby oil nalagay ko kay LO tapos ayun naglagas ung hair nya. Buti na lng patubo na sya.
sakin mamsh, bago ko paliguan si baby, nilalagyan ko muna ng baby oil yung cotton ball, tsaka yun ang ipangkiskis ko sa head ni baby peru in a soft way mamsh..mawawala rin yan.
Sa baby ko before ang ginawa ko bumili ako ng hairbrush pang baby tapos bina brush ko hair nya every ligo. Hanggang sa nawala na ung dandruff.
Baby oil po. :) Tsaka minimal lng po sa shampoo. ihalo mo po sa water muna bago mo ilagay sa may sponge or cotton saka ipunas sa hair ni baby.
Momsh lagyan niyo ng oil/ baby oil/ tinybuds na happy days and gamitin niyo soft brush. Cradle cap po tawag diyan mawawala din po yan 😊