Early Pregnancy Symptoms (?)

Hi momsh! May 1 baby na ako. After ko manganak, nagcontraceptive pills na ako for 9 months. Then last month, nagdecide kami na magstop na ako magpills. Nag do kamo ni hubby 3 days before mag end pagtake ko ng pills. Then 3 days after last take ko ng pills, withdrawal kami. After 2 weeks (which is this week), nakaranas ako nito: * sensitive na pang-amoy (mahina po talaga pang-amoy ko) * madalas parang pagod katawan * lower back pain * masakit ang ulo at pagkahilo * heartburn at parang nasusuka * may pinkish brown spotting ako kahapon at ngayon * mild lower abdominal cramps Sa March 21 ang expected period ko. Nagtry ako magPT kahit ndi pa delayed period, negative ang result. Sign ba ito ng pregnancy o nag aadjust lang katawan ko sa paghinto ng pills? Meron po ba nakaranas na ng ganito sa akin? Tia! ❤

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Kamusta po, mie? Dinatnan ka na po ba? Usually kasi yung mga symptoms na yan, nararamdaman po kapag delayed ka na. Parang too early yung 2 weeks after ng intercourse. Baka nag adjust lang po katawan mo?

3y trước

Hi momsh! Nag adjust nga lang po. 15 days po ako delayed. Nung ika-10th day delayed nagpatransv ako, wala rin nakita. Thanks dn po sa pagsagot. 😊