89 Các câu trả lời
Magandang ituro sa kanila ang paggamit ng po at opo bilang paggalang sa nakakatanda, matutong magdasal sa Diyos at maging masaya sa mga simpleng bagay at hindi materyal
Dapat ituro ang pag respeto sa kapwa tao at huwag mananakit ng ibang tao. Dapat rin maging matulungin sa iba pero maturo ring maging matalino sa pagtulong.
Dapat natin ituro sa ating mga anak ang pagkakaroon ng takot at matibay na pananalig sa Panginoon. Maging matapat, magalang, may paninindigan at mabuting puso.
we teach them to respect others, especially the elderly, practice them to be a caring person and expressing gratitude. And most of all to Love God. :-)
Lagi ko sinasabi sa anak ko na magpaka'bait lagi..wag matakot sa Diyos kasi ang Diyos ay hindi marunong magalit,magtiwala sa Diyos at mahalin lagi ang kapatid..
Magic Words ang una kOng tinuturo THANK YOU, SORRY,EXCUSE ME, PLEASE, AND MANO AT PAGGAMIT NG OPO, THU MALIIT PA SYA PERO IM TRYING NA MARINIG NYA MUNA.😊
na dapat lumaki syang may takot at respeto sa matanda. hwag na din konsentehin dapat lumaki ang bata na magulang ang nasusunod at hindi ang bata. 🙂
po at opo , pagging magalang , pag sabi ng please at ang maruning tumanggap ng pangaral ng magulang , lalo na malapit at may takot sa diyos 💕
Maging mabuting mamamayan na may respeto, pagmamahal at paggalang sa kapwa at higit sa lahat may takot at pananampalataya sa Diyos.
Para sa akin, pinakaimportante ang pagkakaroon ng malasakit sa kapwa. Kasi dun matututunan ng anak ko kung paano dapat tratuhin ang ibang tao.