Hirap Matulog
Mommys normal po ba sa baby (2months) hirap makatulog pag ibababa na sila. yung baby ko kasi pag karga sarap ng tulog pag ibababa na sa higaan kahit among ingat nagigising agad.
Tiyagaan lang mommy baby ko 4 mos na pahirapan pa din mkatulog gising din ng gising pg gabi until now puyatan pa din, white noise, duyan d effective sa kanya. Pero kasi minsan lng sila magiging baby, pglaki nila mamimiss na natin karga kargahin, tsaka may mga babies po talagang needy, yun po kasi source of comfort nila. Kaya kahit minsan nkakaiyak na din kasi wala ka na ibang magawa kahit maligo kumain struggle kasi ayaw pababa, pasensya nlng lalo at walang katuwang sa bahay.
Đọc thêmakin 2 months sa gabi lagi umiiyak di epeltib Ang karga, hele, duyan pati Ako naiiyak na paiba -iba Ang gusto.. may time na Dede lang tulog na pero mdalas kahit ihele ko, iswaddle isayaw ayaw talaga it takes 5-6 hrs bago makatulog..
Ibalot mo cya sa pranela or kunot nya mamsh, ganyan gnagawa ko sa 2wks old baby ko, pag sa papa nya ayaw palapag, kaya gnagawa ko binabalot ko cya, pakiramdam nya nasa akin parin cya
Swaddle mo sya mommy tpos pag ibaba mo wag mo agad bitawan gang makuha ulit nia deep sleep nia.. patong ka maliit na unan or blanket sa tyan nia pra feel nia nkayakap ka parin..
Hirap po talaga yan. Yung 2 months ko mas lamang nga ang gising gabi na sya natutulog pero gising simula alas kwatro ng umaga
Ganun din ako noon, mas magnda kung sasanayin mo muna na humiga pero nakayakap kapa din sa kanila
Opo normal lang yan kasi khit nga sa akin 6mos na baby ko pero gantan pa din sya.
Normal lang po yun kasi 2 months pa lang si baby.
Same. Karga lng. Pahigain mo sa dibdib mo
same here momsh. kaya minsan naiiyak ako