share kolang diko na talaga kaya?

Hi mommy share kolang kase ang sakit na ?? si live in partner kase nananakit kahit dipa ako buntis. Kagabi sinuntok nya yung hita ko kase ayaw ko syang hilutin madalas akong magkapasa dahil sa kanya tas ayaw nya akong pauwiin samen pag may pasa ako or may makikita pamilya kong sugat dahil sa kanya. Kanina nag away kame sinampal nya bunganga ko tas umalis sya nag inom kasama mga katrabaho nya. Pag uwi nya lasing nag away kame sinaktan nya ako binatukan sinabihan ng palamunin nya lang daw ako tas hinampas sa likod para di sya nakukunsensya na makunan ako ! Nung nakaraan tinampal nya ako sa bunganga nagdugo yung bunganga ko pero parang wala lang sa kanya pag sinasabi kong mag hiwalay na kame ayaw nya. Pagsinasabi ko na magsusumbong ako sa pamilya ko sasabhin nya wala naman syang ginagawa saken. Mahilig talaga syang manakit syempre napapaganti din ako pero pag sobra na pananakit nya saken iiyak na lang ako tas sasabhin nya iniiskandalo ko daw sya sinisira ko buhay nya? minsan kinukumpara nya ako sa mga ex nya? ang panget ko daw ang payat muka daw akong butete? sinasabihan nya din akong pokpok kase ganon nya daw ako nakilala?dati kinutongan nya ako nagkabukol ulo ko ? madalas nya din akong tinutulak?minsan natatakot nadin ako baka duguin ako sa sobrang pananakit nya?wala syang binibigay saken pampacheckup sinasabi nya saken humingi ako sa pamilya ko?hanggang ngayon wala padin syang ipon para sa anak nya miske piso wala. Like ngayon kailangan ko magpapelvic ultrasound ayaw nya ako samahan sa hospital wala daw syang alam don ginastos nya din yung perang bigay ng ate ko para sa pangultrasound ko .????? 6 months preggy here?

219 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Layasan mo na yan momsh di ka nya deserve and wag mo din sya panghinayangan. Love yourself and Godbless. Ingat kayo palagi ni baby mo 💕

Umalis ka na momsh sakanya punta kana sa parents mo. Walang babaeng deserve na ginaganyan ka. Dapat nung hindi kapa buntis iniwan mo na.

Thành viên VIP

Pagisilan mo pong mabuti. Ikaw po nakakaalam nyan kasi alam mo status mo. At kapag nakapag decide na po kayo, then leave to rest ti God.

Iwan mo na ,my. Wag kanang magpaalam na imalis. Tapos picturan mo mga pasa mo. Pwde mo yan isumbong sa barangay para macimplain sa VAWC.

umalis kna jan sis isipin mo ung sarili mo tsaka ung baby mo,wlang kwenta ung live in partner mo lam nyang buntis ka tpos cnasaktan kpa

Influencer của TAP

Mamsh, please lang mag isip ka, hindi dapat tinatrato ng ganyan, lalu nat buntis kapa, hingi ka ng tulong, hiwalayan mona sya now na..

bat d ka magsabi sa family mo first,, para kung gusto mo na talagang umalis.. masusundo ka nila.. wala na magagawa yang hubby mo diba..

isipin mo ang sarili mo at baby mo sis. you know naman siguro what's good for you both. lakasan mo lng loob mo and leave.

Naku, sis! Huwag ka magtiis sa lalaki na ‘yan. Sana hindi mo hinayaan. Uwi kana sa inyo at ipa police mo ‘yang lalaki na iyan.

Thành viên VIP

May sira na ata yan sa utak momsh hiwalayan mona kung ayaw mo pati baby mo mawala advice lang po kawawa kasi kayo ng baby😔😔