Sustento sa unang anak ni lip
Hi mommy! Gusto ko lang malaman if dapat bang magbigay ako ng sustento sa anak ng lip sa dating gf Niya ? Wala pong work Ang lip ko . Dahil ako Lang may work kulang pa po yung sahud ko para samin. Mayaman din po ang ex gf ng lip ko. Pero humihingi parin Yung ex gf Niya. At mas masakit inaaway pako ng lip ko if Wala akong maibigay :( Hindi po kami kasal pero may baby kami 1 month. 8 years old na po Yung unang anak Niya. Wala pong problem sakin na magbigay pero kapos din po kami. #advicepls
Grabe naman LIP mo . Bakit pinapasa niya sayo yung obligasyon niya dun sa una niyang anak? Pwede naman po niyang pakiusapan yung EX niya na sa ngayon wala muna siyang maibibigay. Pasalamat nga siya at may trabaho ka't pinagkakasya mo yung sahod mo para sa inyo. Nako mommy, mas importante po yung anak mo, biruin mo 1 month palang yan samantalang yung anak niya dun sa una 8 taon na. Mas unahin mo po kayo ng anak mo mommy. Hayaan mo lang siya. Mae stress ka lang pag iniisip mo yung mga ganyan.
Đọc thêmKahit sino tanungin mo momsh wala kang ni katiting na obligasyon sa anak ng ex ng lip mo. Problema yan ng lip mo at ng Ex nya. Wag nya ipasa sayo obligasyon nila hindi nman ikaw nasarapan dun. Focus ka na lang sa baby mo, wala na ngang ambag yang lip mo pabigat pa sayo. Kung ako dyan kukurutin ko yan ng nail cutter sa batok bago ko iwan para matauhan. Hindi na baleng maging single mom kesa lumaki sa toxic na environment ang anak ko.
Đọc thêmhindi mo responsibilidad ang magbigay ng sustento sa unang anak ng LIP mo. sya dapat ang magsustento out of his own money. pg ganyan hiwalayan mo sya kasi iaaasa nya sayo ang responsibilidad nya na dapat sya ang tumugon. marunong syang kumantot at mangbuntis dapat marunong din sya magbigay ng supporta. hindi naman sya siguro imbalido para hindi sya magtrabaho db? so magbanat sya ng buto.
Đọc thêmSi LIP dapat ang magbigay sa anak nya sa una at di dapat ikaw mommy ang gagawa ng way para makapagsustento sya dun. Pwede kasi kasuhan ng VAWC si LIP mo ng ex nya if di sya nag aabot ng sustento. The Best way for that is suportahan mo syang makahanap ng Work or pagkakakitaan para masustentuhan nya yung anak nya sa una at kayong mag ina.
Đọc thêmKung meron man na may obligasyon na magsustento sa bata ndi po ikaw un dapat ung partner mo ang magbanat ng buto para may ipangsustento sya sa anak nya ,, ndi ikaw ang dapat umako sa responsibilidad nya laks pa ng loob na awayin ka or magalit sau kung ndi ka maka pagbigay mag aanak sya dapt alam nya ung obligsyon na dapat nyang gampanan
Đọc thêmProblema na dapat ng lip mo yon mommy. Sya ang ama, dumiskarte dapat sya. Hindi porke ikaw ang may trabaho, ikaw ang sasalo ng responsibilidad nya. Umaattitude yang lip mo mommy, sya pa may ganang mang-away. Kaloka. Hindi na lang magpasalamat sayo. Ang dami pong pwedeng pagkakitaan mommy, mag isip isip po sya. GodBless po.
Đọc thêmHindi mo responsibilidad ang pag sustento sa anak ng ex ng lip mo momsh. I push mo ang lip mo na dumiskarte para makapag sustento sya, at maging responsableng ama. Red flag na yan sa inyong dalawa, actually he is also doing the same thing to you kasi wala syang work para mag provide..
Kapal naman ng mukha ng LIP mo. Anak nya yun tapos ikaw oobligahin. Wow. Nasobrahan ata sa kapal yan sis, tapos 1 month palang baby mo nagwowork kana? so anooo sya palamunin mo? grabe. no balls. 🙃 Di mo responsibilidad yun so wag ka magbigay. Pabayaan mo syang gumawa ng paraan.
Wala ka nang kinalaman dun mommy, si lip mo na ang gumawa ng paraan para don. Yung income mo is para sa inyo na lang ni baby. Ang bait mo naman momsh kahit yung pagsustento sa anak ni lip pinoproblema mo pa and ok lng sayo ang magbigay. God Bless your kind heart ❤
Lip mo na ang may responsibilidad nun mommy, Hindi ikaw. Siya dapat ang magtrabaho para isupport kayong mag-ina at ang Anak niya sa dating gf niya. Swerte naman mommy ng lip mo kung pati ikaw sasalo sa responsibility niya bilang ama