anytime naman po ang bath time kung ano okay kay baby. pero mas maganda if may routine kayo na schedule na sinusunod since then para masanay si baby alam nya kung ano na gagawin sa kanya at di sya magiiyak iyak kung time na. dapat din bago maligo, may konting playtime si baby para relax at di dapat gutom para di magiiyak at maenjoy ang bath time nya :)
like for example, since 1st month sinanay ko na si baby ko naliliguan ng 5:30am lalo pag papasok na rin ako since nurse kami ng husband ko ang duty namin ay 6am dapat bago kami umalis, naliguan na para wala na iisipin yung magaalaga, paaraw,patulog at padede na lang. automatic yun routine namin. then sa hapon, alam na ni baby pag 5:30-6pm na nakalinis na ulitbsya at nakapalit ng pantulog, pagdating ko from work (since kalapit lang namin yung hospital na pinapasukan namin) padededein ko na mga 6:30pm, automatic 7pm tulog na sa si baby ang gising na nya ay 5am ulit (in between napapadede ko sya kahit tulog) mag 3months na si baby ko ngayon.
Apple Tabuzo