Re: Hypertension Meds
Hi mommies! Mayroon po bang OB gyne dito na pwedeng sumagot ng concern ko? I gave birth last September 14 via cs delivery. Highblood din ako nung buntis. At nagtake ng methyldopa. After manganak, tumaas pa din bp ko that's why nagpacheck up na ko sa Internal Medicine. binigyan nya ko ng mga meds for hypertension like Felodipine, Telmisartan, Pantropazole (for hyperacidity) at epirisone for pain. Ask ko lang po. Safe po ba ito while breastfeeding? (concern lang po ako kay baby, pa-help po! 😣) Maraming Salamat po sa makakasagot! PS: di na po ako nakapagpacheck up sa dati kong ob. sa public hospital lang po kasi ako nanganak at kapag di na buntis parang tapos na din obligasyon sa akin hehe. Thank you again! ❤️
Mother of 2 very handsome boys