24 day old baby boy
Hi Mommies.. Ask ko lang if normal lang ba ang hindi pagpapababa ng baby ko kapag natutulog siya. Noong newborn siya hnggang 2 weeks, natutulog lang siya sa bed ng 3 to 4 hours then gigising para dumede at magpapalit ng diaper tapos matutulog na ulit. Pero nung nag 3 weeks na siya, hindi na siya tumatagal sa bed or crib nya ng 10 mins iiyak na siya agad. Natutulog lang siya ng tuloy tuloy na 2 to 3 hours kapag karga namin siya. Sabi ng in laws ko, nasanay na daw sa karga. Hayaan lang daw umiyak ng umiyak. Pero kasi kakabagan naman siya kung hahayaan lang umiyak. Kawawa naman dahil masakit din yun sa tiyan. At bilang nanay, hindi ko kaya na makikitang umiiyak ang anak ko at lumuluha pa. First time mom po ako kaya I need help and advice. No bashing po sana.