curious

Hi mommies, tanong lang po ako. my lo is 3 months old. turning 4 this April 17. kelan po ba pwedeng uminom ng alcoholic drinks? pure breastfeed po ako

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Hi mommy. Magkabirthday sila ni LO ko. 😅 Yes. Pwede uminom mommy basta in moderation. Iyong maalagaan pa si baby. I hope this source could help. Mommy Matters & Breastfeeding PWEDE BANG UMINOM KAPAG NAGPAPASUSO? Maraming nanay ang nagtatanong kung pwede bang uminom ng alak kapag nagpapasuso. Iba iba ang sagot na nakukuha kaya naman mas lalo silang nalilito. Bago ka magdesisyong uminom ng alak, kailangan munang isaalang-alang ang mga sumusunod: ✔ EDAD NI BABY - Ang newborn ay may immature na atay at mas maaapektuhan ng alcohol - Kapag 3 months na, nakakapag-metabolise ang mga sanggol ng alcohol sa bilis na kalahati ng pag-metabolise ng matatanda sa alcohol - Kapag lumaki laki na si baby, mas mabilis na niyang mamemetabolise ang alcohol ✔ ANG TIMBANG MO - Ang bigat ng tao ay may kinalaman sa bilis ng pag metabolise niya ng alcohol - Mas mabigat ang tao, mas mabilis niyang mamemetabolise ang alcohol sa katawan niya ✔ DAMI NG ALCOHOL - Ang epekto ng alcohol kay baby ay may kinalaman sa dami ng alcohol na iinumin - Mas marami ang ininom, mas matagal na matatanggal sa katawan ng nanay ang alcohol ✔ KAKAIN KA BA? - Ang pag-inom na may kasamang pagkain ay nakapagpapababa ng absorption rate (pagsipsip) ng alcohol sa dugo GAANO KARAMING ALCOHOL ANG NAIPAPASA SA BREASTMILK? Ang alcohol sa breastmilk ay kaparehas ng dami ng alcohol sa dugo; tumataas at bumababa ang lebel ng alcohol nang sabay. Mas maraming kinokonsumong alcohol, mas maraming alcohol sa breastmilk, kaya mas may epekto kay baby. MAKAKAAPEKTO BA ANG ALCOHOL SA MILK SUPPLY? Kapag umiinom nang marami ang nanay, mas kakaunti ang sinususo ni baby sa loob ng 3-4 hours kaya mas kaunti ang stimulation. Ang pagkonsumo ng maraming alcohol ay nakakapagpahina ng supply. Ang beer o isang baso ng wine ay walang masyadong epekto, at kapag nagka edad na si baby, mababawasan pa ang epekto nito. Ang blood levels ng nanay ay kailangang umabot sa 300mg/100mL bago magkaroon ng epekto sa sanggol. KAILANGAN BANG MAG-PUMP AND DUMP KAPAG UMINOM? Hindi kailangang mag pump and dump o magpump at itapon ang breastmilk kapag nagpapasuso ka. Ang pag metabolise ng matanda sa alcohol ay 1ounce in 3hours kaya ang nanay na umiinom in moderation ay pwedeng magpa breastfeed agad kapag feeling niya ay okay na siya. Kung gustong bawasan ang epekto ng alcohol sa bata, pwedeng magpasuso muna bago uminom : magiging alcohol-free ang breastmilk sa loob ng 2 to 3 hours. ANO ANG EPEKTO NG ALCOHOL SA BABY? Ang sobrang alak ay pwedeng makasama sa bata. Maaari itong magdulot ng pagkahilo, deep sleep, panghihina, abnormal na pagtaas ng timbang, at posibleng paghina ng gatas. Pwede ring magkaroon ng delayed motor development ang bata. Translated by: v.a.m. Mommy Matters & Breastfeeding SOURCE: https://www.laleche.org.uk/alcohol-and-breastfeeding/

Đọc thêm
6y trước

No worries. 💓