LBM then Hilab Na Masakit

Hi mommies here! Tanong ko lang may naka experience naba dito sa inyo ng LBM tapos nagkaron ng kasabay na paghilab ng tiyan? Grabe, naranasan ko kasi kahapon ang sakit yung parang walang tigil na paghilab ng tiyan. Naging okay lang pakiramdam ko nung uminum nako ng Duvadilan na nireseta ng OB ko. Normal ba yun? Nag worry ako kasi first time kong makaramdam ng ganung sakit. I'm 23 weeks and 6days preggy for my first baby. Salamat po sa mga sasagot. God bless us. ?

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Naexperience ko before. Binigyan din ako ng isoxsuprine. Pag nagtuloy tuloy daw kasi hilab momsh pwede na talagang maging preterm labor.

5y trước

Oo nga e, ngayon alam ko na. Tuesday lang sakin yun binigay nung OB ko dapat nga daw lagi nakong may naka stand by sa bag kahit saan ako pumunta kaso medyo matigas ang ulo ko saka hindi ko naman alam na mai experience ko pala sya agad agad nung Friday, e wala akong dala kasi naiwan ko sya sa bahay kasama ng mga ibang vitamins ko. Ay, while at work windang talaga ako sa sakit. Hindi ko na natapos report ko, pagsapit ng oras ng uwian out na talaga ako. Nakakatakot kasi first time kong naranasan. Pero buti ngayon okay na. Salamat ulit sayo momsh! 🤗