NESTOGEN 2
Hello Mommies. Sobrang nag woworry ako. Hindi ako makatulog. Ask lang ako kung sino dito ang nestogen 2 ang gatas ng baby nila.. hanggang ilang oras po ba dapat iconsume ang formula milk once prepared? Since birth ng baby ko hanggang 4 hrs pinapadede ko pa sa kanya kapag may tira siya. 7 months na siya now. Kaninang 4am nagising siya para dumede. Na overlooked ko screenshot ng time sa cp ko kung anong oras ko tinimpla yung dede niya. (Pansin ko kase humina ang memory ko at ang bilis ko makalimot simula mabuntis ako sa kanya. And now buntis ako at alam ko sa sarili ko medyo nagiging ulyanin ako. 😔) 12nn ang tingin ko sa screenshot sa cp ko.. so meaning pwede ko pa ipadede sa kanya yung natira niya na gatas kase mag 4am palang. Kaso nung makakatulog na ako, bigla nag sink in sakin na parang may mali. Kaya agad akong bumangon ulit to check my phone at yun nga. 10pm ko pala natimpla yung gatas. Meaning 6 hrs na pala ang nakakalipas. Worried lang ako baka panis na yung gatas na napainom ko.. 5 oz pa sguro yun.. agad kong inamoy yung natirang konting gatas pero hindi naman amoy panis.. tinikman ko din sinimot ko ang natira.. hindi naman maasim or lasang panis.. lasang gatas na matabang ang timpla ang nalasahan ko.. Kanina pa ako nag research pero ang mga nababasa ko, once prepared need to consume na agad ang formula milk. Within 1-2hrs.. Ano po sa tingin niyo. Panis na kaya yung gatas na napadede ko sa kanya? 😔 dati may nabasa ako depende rin sa gatas.. kaya sino po dito nestogen 2 user? Nagtatae pa naman si Lo ko 4 days na.. hindi naman po watery pero 4-5 times a day siya.. minsan konti lang.. ang sabi baka daw nagngingipin.. observe ko naman siya okay naman siya. Malakas dumede at masigla. Advice po pls..
I love you Isabella