Asking for help

Hello mommies sino po dito lalaki ang pinag bubuntis? Na umitim ang kili-kili at singit?. Ano po kaya best na gawin oh gamot para hindi na imitim?. 26 weeks pregnant here po. #1stimemom #advicepls #pregnancy #firstbaby #pleasehelp

Asking for help
58 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Unang-una, wag po kayong naniniwala sa mga sabi-sabi na kapag nag itiman ang batok, leeg, kili-kili, singit, at kung ano-ano pa sa katawan ay lalaki ang pinagbubuntis mo. HINDI nakabase sa pag itim ng parte ng katawan ang GENDER ng baby. Dahil HORMONES yan at di talaga mapipigilan yan. Mapa-lalaki o babae man ang anak mo, talagang karamihan e dumadaan sa ganyan. Sa ngayon ang pinaka magandang gawin mo e hayaan mo lang dahil wala rin naman talaga tayong magagawa sa ganyan. Babalik din sa dati yan pagkatapos mong manganak.

Đọc thêm
3y trước

may mga kakilala po ako na ganyan pero girl naman po baby nila...saka wala po kayo gagawin mawawala din po yan after nyo manganak...

mommy, baby boy din si baby ko. 8months na siya now and lumiwanag na ang mga kasuluksulukan. 😂 Nagkaroon ako ng pimple break out at umitim yung mga tagong balat ko even my back starting bung 6months preggy ako. Tapos feeling ko mas lalong umitim yung kilikili ko nung nagtry ako magpahid ng organic facial wash and whitening deo ng human nature, pero tinigil ko rin agad hinayaan ko na lang total normal lang naman po yung skin pigmentation while preggy, depende sa hormones mo 'my. Bumalik rin naman yung kulay after months na nakapanganak ako😊

Đọc thêm
Post reply image

same tayo mi 26 weeks and baby boy. hinayaan ko lang yung mga kampon ng dilim at hindi naman ata talaga mapipigilan. pati leeg ko umitim. yung sa kili kili ko tho hindi sobrang itim pero lumalawak yung sakop haha. hindi ko na po iniintindi ang itsura ko at given naman talaga sa ibang buntis na hindi nag goglow. At isa po tayo sa mga di pinalad 😂 Ang focus ko nalang is yung health namin ni baby. babalik naman din daw eventually.

Đọc thêm

Ako sis boy pinag bubuntis ko. Legit talaga umitim ang under arm ko, Pati singet, leeg Di naman masyado pero sa face lumapad ung ilong ko tas nagbago. Feeling ko ang panget ko n talaga tas wala pa ko ginagamit. Nito lang pag ka 3rd trimesters ko moisturizer lang gamit tas toner n zero alcohol, tas aloe vera lang for night, St Ives naman sa facial. Medyo kumalma namn mga pimples ko sa head Di ko alam kung pimples b to o butlig #32weeks #1stpreggy

Đọc thêm
3y trước

Ay sana, all pag dating s Mr maganda pa din., sakin, aasarin pa ko NG hubby ko. Kesyo boy daw dinadala ko. Hahaha

Hormones yan. Wag ka na mag try na pigilan yan, hayaan mo lang. Pag nanganak ka magnonormalize din hormones mo paunti2. Chill ka lang enjoy mo yung pregnancy journey mo. Ganyan din ako. 2 weeks post partum na ko, ayun medyo maitim pa din yung ibang body parts ko. Keri lang di naman din ako magsusuot ng revealing sa mga susunod na buwan or linggo. Hehe pero yung skin ko naman sa mukha nabawasan na dryness nung nanganak na ko. Di na rin sya masydo puffy.

Đọc thêm
Influencer của TAP

lactacyd lang po nureseta sakin ni doc ko po,for yung singit. pero binigay nya lang po ito after ko manganak. meron po cream pang underarm sa watson po mabibili nasa 100+ ko lang po nabili pero suggest din lang din po ng doc after na po manganak,kasi baka maapektuhan po ang baby po. pero sa akin naman po sa underarm after ko po nanganak bigla po nagsitanggal na parang libag po yung sa underarm ko po tas gumamit na po ako ng underarm whitening cream after.

Đọc thêm

manganak kana muna. part yan ng pag dadalang tao. wala kana magagawa sa ngayon. nung pag kaanak ko kala ko walang pag asa.pero nabalik naman ung kaputian nya ng konti pag ka panganak sabay sa leeg at ung sa tyan . after a month tska ako nag bili ng lightening kineme na safe lactating mom. yung sa tiny buds postpartum care gamit ko.

Đọc thêm

sana all mii baby boy hehe, ako nagpa ultra ako 21w3d baby girl.. kala ko boy na kasi magkaiba nong una ako magbuntis, ngayon nagsilabasan pimples ko..sa panganay ko di nman ..umitim lang leeg ko 😂 baby girl ulit🥰 normal lang yn mangitim mii babalik din yan sa dati pag nanganak kana.. congrats sayo mii kasi baby boy..💙

Đọc thêm

Hinayaan ko lang, its normal naman po, ako leeg, kili kili, puson, singit at pati pempem grabi ang itim kahit nag scrub pa ako everyday kaya hinayaan ko lang, 3 months postpartum na ako ngayon ang nawawala naman po itim, sa ngayon halos bumabalik na sa dati pero may itim pa din po pero mga 70% lighten na nya from before hehe.

Đọc thêm

Ako po, umitim yung kili-kili ko, yung singit di ko sure, hindi ko na masilip 😂 pero girl si baby. Wala po tayong magagawa para maiwasan yung lalong pag-itim ng body parts natin dahil sa hormones, pagkapanganak mawawala din po yan, it may take weeks or months bago mawala yung itim after manganak.