Hyperemesis Gravidarum & Hyperthyroid at 1st Trimester

Hello mommies, sino po ba sa inyo ang na experienced o na eexperience ang Hyperemesis Gravidarum and Hyperthyroid during 1st trimester of pregnancy? Kamusta po ung pinag daanan/pinag dadaanan nyo? This is my 3rd pregnancy, sa 1st and 2nd ko po though matinding pagsusuka din naranasan ko pero hindi po katulad ng ganitong sobra ka selan. Sa 1st trimester ko, almost 1month ako sa hospital, halos wala na po akong na da-digest dahil kahit tubig hindi na tinatanggap ng tiyan ko. Sa isang araw, maraming beses akong sumusuka, at halos puro acid na dahil sa Hyperemesis. Bumaba ang timbang ko at sobrang pumayat from 54kg to 39kg nlng, na bed ridden ako ng ilang buwan, para akong gulay. Naramdaman ko din na para na akong ma mamatay. Nkararamdam ako noon ng matinding pagka hilo at palpitation kahit nka higa lng. Hirap ako huminga, at sumasakit ung dibdi. Ito ay dala ng hyperthyroid. Ngayon po ay 25weeks na ang aking tiyan. Mejo bumuti na ang aking pakiramdam. May mga iniinom akong gamot na maintenance at continues follow up check up sa aking Cardiologist at Endocrine, at monthly check up sa aking OB. Pa salamat ako kay Lord dahil sa kabila ng pinag dadaanan ko ay na paka healthy ng baby ko sa aking tiyan. Madaming madaming dasal ang aking ginagawa. Hindi ako nka ligtas na di mag karoon ng Anxiety. Pero nilakasan ko ang loob ko at pag iisip na hindi ibibigay ni Lord ang pagsubok na di kayang lampasan. Sana ung mga mommies na nka raranas ng tulad sakin ay wag mawalan ng pananampalataya. #pregnancyjourney

 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời