Di mahiyang sa formula milk
Hi mommies. Since wala na akong gatas 😢 nagfoformula milk na si baby (2mos old). Una namin is enfamil a+ new born sya nung gnamit nya yun. Ok naman pati pupu nya. Problem is nagkaron sya ng maraming pantal. As per pedia nya baka daw allergy sya sa gatas. So pinalitan naman ng SIMILAC (pang sensitive) nawala naman mga pantal nya sa mukha pero lumambot ang pupu ni baby hanggang sa nag diarrhea naman sya. Nag consult ulit kami pinag NAN AL110 sya para daw itong gamot sa diarrhea. Naging ok naman si baby. Kaya ni request namin na NAN na lang din ang ipalit na milk nya (since NAN AL110 is only for his diarrhea) nag NAN HW sya pero napansin namin na lumambot nnaman ang pupu nya at ngayon halos malabnaw na 😭 di namin alam kung di ba sya hiyang sa mga nagiging milk nya. Any suggestion? May naka experience na din ba ng ganito? Gusto namin sya i S26 but as per pedia parang enfamil din yon at baka magka rashes nnaman sya. 😭