HOSPITAL/LYING IN BAG
Hi mommies! Share naman kayo ng list ng kailangan dalhin sa hospital or lying in pag manganganak. Thank you!! List for mommy, baby and hubby sana ❤ #advicepls #pregnancy
this is usually given by your OB/Midwife. pero kung wala pa at gusto mo na magipon paunti unti, here are the basics: for baby: -cotton rolls/cotton balls (any of those 2 basta malaki) -70 % alcohol (ethyl or isopropyl) -baby oil -receiving blanket (preferebly with hood) 2-3 -diapers 10 pcs - set of baby clothes 3-5 set (baruan or onesies, booties, bonnet, mitten) -lampin 10 pcs. -distilled water 1 gallon -feeding bottle and pump (in case na mahirapan ka maglatch or ang bet nyo formula milk during your stay) for mommy: -important documents (such as test records, government files, marriage cert., ids, etc.) -maternity outfit 3 pcs. (kasama na pang alis) -socks 3 pairs -maternity pads and adult diapers -underpads (ask them if need mo pa magdala lalo kung lying in) -toiletries and body essentials (toothbrush, toothpaste, soap, shampoo, deodorant, tissue/wipes, etc.) -any form of entertainment or "pampalakas ng loob" (books, cellphone, console, etc.) -snacks and drinks (maganda na kayo magdala dahil minsan mahal yung mabibilhan nyo sa labas) -pillow and blanket (kahit hindi inadvice maganda na meron kang dala. mas hygienic kasi eh) kay hubby: -few set of clothes and toiletries lang. pwede din sya dala ng sarili nyang pillow.
Đọc thêmdagdag ko pala, i suggest na iseparate mo sya sa zip lock bag para mas madali iorganize at maghanap. pag naglalabor ka na di mo na yan masyado maasikaso so para di malito yung makakasama mo ganun gawin mo and lagyan mo ng label each item esp. yung gamit ni baby kasi may instances di naibabalik lalo pag ospital daw. gawa ka ng checklist para alam nyo kung may nakalimutan kayo. pero kung kamalas malasan di nyo makuha yung ibang gamit kasi baka di nyo rin maasikaso (probably mas mabubusy yung kasama mo sa ibang bagay tapos ikaw nun baka tulog or lutang pa pagkapanganak) yung dadalhin mo sa ospital/clinic yung maliliit nalang in case na hindi maibalik sayo di ka manghihinayang masyado.
Đọc thêm
mommy of a super brave boy