Hyper Na Baby..

Hi mommies share ko lang sa inyo, masyadong magalaw si baby pag gabi, kada sipa sakin na iihi ako hahaha.. Umaalon alon din tiyan ko, anyways im 7mos. Preggy due ko sa october.. Hmmm first time momma here hehehe

41 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Influencer của TAP

Same. 7 mos din and due sa Oct. 😊 Ang nakakatawa nito, ang likot likot ni baby sa tummy pero pag hinawakan na ng daddy nya, kumakalma. Sad tuloy si hubby kasi di daw nagpapasikat si baby sa kanya. Ako naman, masaya kasi instant pampa kalma ni baby ang touch ng daddy nya. 😊

Same here momsh😁 34weeks preggy..ganyan na ganyan din baby ko super hyper sa gabi kaya panay balik din ako sa cr😊 kada likot naiihi ako..

Hehe same hirr.. ako po kabuwanan kona.. sobra padin sya lumikot.. healthy po cguro mga babies naten kya ganun sila ka hyper. Hehe

5y trước

Haha ok lang yan momshie... atleast ramdam natin pag galaw nila hehehe

Same. Kakawiwi mo lang tas kapag gumalaw siya para ka na namang mawiwiwi. Same due date tayo, sis. October din ako. 😊

Same sis.. malikot din c baby sa gabi, kahit umaga gising din iniisip ko nga parang di natutulog baka may eyebags na paglabas 😁

nagsusuot ka po ba ng diaper o napkin kapag lalabas ka? eh kasi baka timing na sumipa xa at sa public baka maihi ka,

Thành viên VIP

Enjoyin mo lang mamsh! Kasi kapag nailabas mo na rin si baby mo, minsan mamimiss mo na may nagalaw sa tyan mo. 💛

Yung nsa sleeping position kana pero dun sya maglilikot ng maglilikot. Luh hirap makatulog 😅

Thành viên VIP

dati sa ganyan ako napupuyat tapos simula nung august 14 sa pag aalaga na kay baby haha ❤

hyper narin yung sakin kaya sobrang kinabahan ako kanina walang tigil sa kakalikot.