BREASTFEEDING
Hi mommies! May same experience din po ba kayo na parang ayaw ni Baby mag latch ? Di gaya ng ibang baby pag naramdaman nila yung dede ni mommy hinahabol nila.. sa case ko parang naiirita si baby ko minsan tinutulak pa nya 😢 Kaya ginagawa ko pinipilit ko sya na isubo nya, napipilit ko naman po sya then pag ayaw na nya para syang nandidiri sa dede ko 😅 ayaw nyang nadikit sakanya.. Hirap din kami sa pag position lalo na pag umiiyak na sya, antigas ng mga buto nya ayaw nya sumunod sa pag ayos ko sakanya para dumede. Mga 2 weeks old ko na kasi sya napa latch sakin kasi wala talaga akong milk before.. Malapit na sya mag 1 month now.. sa ngayon pag parang hndi pa sya busog nag formula milk kami, bottle feeding kmi.. ayoko sana masanay sya sa formula and sa bottle kasi masyado pa syang baby.. may naka experience din po ba? any tips po mga mommy? naiiyak nalang kasi ako minsan pag ayaw nya dumede tapos alam kong gutom pa sya.


