Kasal sa unang asawa pero hiwalay na at buntis ngayun sa bagong kinakasama

Hi mommies. Question ko lang po kasi naguguluhan ako, married po ako sa una but preggy po ako sa partner ko ngayon. Matagal na po kami hiwalay nung unang asawa ko and parehas na po kami may partner. Ngayon po nalilito lang po ako pag nanganak po ako pwede ko po bang gamitin yung maiden name ko sa hospital records ko simula check up hanggang pagkapanganak kasi sa partner ko po ipapaapelyido yung baby namin. Iniisip ko din po is baka di ako makakuha ng benefits like philheath and sss matben since married name ko ang naka-file dun. Pero parang ang weird din naman po kasi kung paglabas ng baby ko is BABY (then surname ng 1st husband ko) ang nakalagay sa tag ni baby paglabas nya. Baka magalit partner ko, hahahaha. Advise po mga mommy. No judgment pleassee.

10 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Para po sa akin, para iwas problema, gamitin mo muna kung ano yung ginagamit mong "legal name" mo. Unless you make legal amendments to change it back. As for pag-pangalan ng anak mo sa current partner mo, I wouldn't recommend it. That's a full documentary evidence of Adultery. Hindi ko sure kung gaano ka peaceful or hostile ang relationship nyo ng ex-husband mo, but legally speaking ay kasal pa rin kayo. Kung may balak ka magpa-annul, better do it first bago mo ipangalan anak mo sa current partner mo. but I'm no lawyer, try nyo po siguro magpaconsult rin si PAO. Better to be sure para iwas sa possible na mas malaking problema at issue in the future.

Đọc thêm
1y trước

May ka-live in na din po sya and from what i heard magkaka-baby na din sana sila but sadly nakunan yung girl.