Nipple Pain During Breastfeeding

Mommies patulong ako please ?. Baka meron kayong alam na pwedeng gawin or i.apply para mabawasan ang sakit ng nipples pag nagpapabreastfeed? FTM ako and 8 days old pa lng baby ko. Hirap na hirap ako pag nagpapabreastfeed dahil sobrang sakit ???? parang tinutusok ng karayom ang nipples ko at meron ng namumuong dots ng dugo sa tip. Naiiyak ako sa sakit pag nagpapabreastfeed. Gustong gusto ko na itigil ang pag bbreasfeed pero iniisip ko baby ko na yun ang the best para sa kanya kaya tinitiis ko lang. Please tulungan nyo ako. ????

24 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

I had the same situation during the first 4months of my baby. If you don't have cream, what I do is, I put hot compress on my nipples and also yung gatas ipahid mo di sa nipples mo para mabilis gumaling. Also, mag palit palit ka ng side pag mag breastfeed. If right yung masakit, dun ka muna sa left. Pero pag na feel mo ng malapit na tumigas yung right, pa dedein mo na kahit saglit lang to avoid mastitis

Đọc thêm
5y trước

**not too hot ha. Yung kaya lang

manipis pa kasi ung skin ng nipples natin mommy, tiisin mo lang kakapal ng kakapal ung skin natin sa nipples habang tumatagal na nag dedede si baby. may nabibili sa pigeon na cream na pwede mo ilagay jan at safe din kay baby, pero ako di ko din sya nagamit kasi nagsusugat na ung nipples ko, talagang tiniis ko na lang. 1year ako nagbfeed

Đọc thêm
Thành viên VIP

Warm Compress lng at Mild massage. And iPump nyo po para mabawasan ung milk na nasa breast and para mag produce pa sya. Also dapat daw po may oras ung pag pump para magkaroon ng schedule ung breast kung kelan mag poProduce ng Milk.

Thành viên VIP

Lagyan mo nga breast milk mo, gagaling ang sugat.. 😊 Tiis lang talaga.. Pwede ka rin bumili Nung I attach na nipple sa dede para doon na mag suck si Baby.., 😊 Gumamit din ako nga Hakka Nung sa akin

Momsh tiisin m lng yn kc hnd p lahat ng pores sa nipple m open kya continue m lng latch sa baby m..kusang hihilom yn ang sakit..gnyn dn aq..wala nmang pinapahid jan knd laway lng din ni baby ang gamot..

Thành viên VIP

Momsh proper latch po kay baby para d magnipple sore at maenjoy nyo breastfeeding at para makuha nya rin hind milk. Check nyo po sa youtube proper latch videos😊

Check mo din Kung Tama Ang latch.. Isa din Yun sa cause.. madalas Mali kaya masakit at nag dudugo. Nuod k sa YouTube paano or search k sa Google

Thành viên VIP

Sariling milk mo mommy makakapag pa galing. Patience lang tlga sa una lang yan. Tpos watch ka sa youtube if tama ba pag latch ni baby 😊

Biggest achievement mo Yung matitiis at lagpasan Yung sakit. 1month lng yan. Natural lng sasakit Kasi di pa sanay breast mo

Thành viên VIP

sa akin kasi sis tiniis ko talaga halos dugo na nipple ko mawawala din nan yung sakit maybe after a month ok na yan