first solid food

mommies, panu po ba gawin ang first solid food ni baby?

15 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Influencer của TAP

Sabi ng pedia ng baby ko. Nung nag first solid food (6 months old) Gulay muna ang unahin. Yung mapait. Yung ampalaya. Para daw masanay na d muna matatamis. 3 days ang introduction ng food. Example: 3 days ampalaya, 3 days kangkong, 3 days apple para daw malaman kung mag aalergy si baby, para alam mo agad kung saang food. Pwde mo alternate na, gulay ngaun after 3 days prutas naman. Then gulay after 3 days vice versa Ginawa ko sa ampalaya, nilaga at ni blender ko. Yun pinakain ko. Konti lang naman mga naka 6 tsp sha. Tapoa non, absolute na water or wilkins.. tas pinadede ko rin pala. Mga gulay na na try ko. 1. Ampalaya 2. Broccoli 3. Malunggay 4. Sayote 5. Talbos kamote 6. Petchay 7. Kangkong 8. Bok choy 9. Sayote 10. Kamote - constipated 1. Pears 2. Banana 3. Carrots - constipated 4. Papaya - allergy 5. Apple 6. Carrots/sayote 7. Bokchoy/beans Usually ganon, laga ko then blender pag saging mushed. Ayaw ng pedia doctor ko yung mga cerelacs or gerber na nabibili sa mga grocery store. Kasi mas maganda pa rin daw yung natural na prutas at gulay.

Đọc thêm
Influencer của TAP

hi mamsh good morning .. Ang first solid food ng baby ko is veggies hindi dahil wala akong pambili ng Gerber or cerelac pero mas gusto ko as early as that age aware sya sa veggies & mas healthy naman made with love pa dahil ako mismo nag pprepare. Dun tayo sa praktikal pero healthy at the same time.

Thành viên VIP

Hi, meron akong mga baby food recipe na shinishare sa instagram. All are healthy and andon na din kung pano iprepare. If you're interested check my IG @she.ballesteros tapos hanapin mo sa highlight yung nakabilog sa picture.

Post reply image
Influencer của TAP

Ilaga nui po muna mommy ung mga vege.15mns.until lumambot.tapos iblend nui po kng may blender kau kng wla nmn owd po fork gamitin png mash.din haluan milk ni baby or breastmilk

Thành viên VIP

sa avocado,saging, ung hinog durugin lang po gamit ang tinidor . pag patatas, sayote, labanos, kalabasa steam then durugin po ulit.

carrots, squash at patatas po hinain ko nun kay baby tas mas nagustuhan nya carrots till now 3yo na sya fav. nya pdn carrots.

pureed squash po. pakuluan mo po muna hanggang sa lumambot tapos iblender mo po lagyan mo po ng konting tubig. 😊

Hi mommy ang una kong food kay baby ko is avocado kase nakakapampatalino daw po ito 😊

Puree po, kung may blender ka po iblend mo. Kung pang mash naman super mash na mash.

Super Mom

Pwede po steam yung fruits or vegetables then gawing puree or mashed po