Mommies, paano po ang ginagawa nyo para mabawasan ang screen dependency ng kids nyo?
Sa pamangkin ko po kasi boy po sya na 5 y/o na and ganto lagi ang scenario everyday.
Magigising sya before or after lunch, first thing na hahanapin ay phone. Pag nalobat ang phone nya yung sa daddy naman nya. Pag nalobat yung sa daddy nya kahit nakacharge ang phone nya ginagamit. Pag hindi nabibigay ang gusto umiiyak. Ganyan everyday, tas recently sobrang lala na kasi di na natutulog kaka-phone.
Nanonood sya sa Youtube tas ginagaya nya yung mga sumisigaw sigaw dun. Naglalaro din sya ng Piggy sabi nya sa Roblox din daw yun pero parang naninigas na sya minsan kasi nagugulat sya. Pag pinapagsabihan na wag na maglaro nagagalit naman sya samin, minsan umiiyak pa at aakma na papaluin or susuntukin kami.
Pamangkin ko lang po yung bata, ako naman currently preggy kaya wala din akong experience pa sa mga gantong bagay. Sya lang yung pamangkin ko na sobrang naging dependent sa phone, to the point na nawawalan na sya ng respeto sa mga kasama nya sa bahay.
Nasstress na kasi ako, lagi akong naiinis kasi mentras na pinagsasabihan yung bata parang wala naman ginagawa ang magulang hinahayaan lang. Napapansin din namin parang nagiging kabisote na sya.
Ang hirap pag may gantong kasama sa bahay na bata. Hindi na namin alam kung pano namin didisiplinahin kasi yung 2 pamangkin namin na babae nakuha pa sa disiplina. Lesser screentime na sila and pag sinabing kailangan mag-sulat or magbasa sunod sila agad, di kagaya nitong lalaking pamangkin namin.
Any tips po? Parang may something na din kasi dito sa batang to kaya ang hirap na pagsabihan.
Anonymous