Preggy Or Assuming Again?

Hi mommies out there! ? Hopefully meron makapansin. Matagal na kami kasal ni Hubby, since 2O16.. Wala pa kami baby actually! Matagal na namin hinihintay, as in paulit-ulit na prayer na someday gigising kami dalawa na may blessing na dumating samin.. God knows kung gaano kasabik si hubby na magkaroon kami ng baby! Last year dec.21-25 dinatnan naman ako ng mens. KJ nga dahil mismo pasko pa dinatnan ako.. Then pumasok si January 2O2O as in buong month na yun di ako dinatnan ng period. Akala ko normal, baka nadelay or what.. Actually mga mommie's (Irregular po talaga ako) minsan isang buwan di ako dinadatnan pero gang dun lang isang buwan talaga. Then pumasok si February wala na naman! ? Hanggang inabot na ng March again wala na naman.. ? Pero nung March 3O gabi nun, iihi sana ako. Pagkita ko sa underwear ko may brown na lumabas sakin, para siyang sipon mga mommies pero brown siya, may pagka light! Hindi siya dugo.. wala ganun. Konti lang naman yung lumabas sakin na ganun. As in 1day lang ng gabi, hindi na siya nasundan hanggang ngayon. This April wala parin ako period.. Baka meron makapansin dito sa noted ko, or baka meron din naka.experience na tulad ng experience ko now.. Thankyou mga Mommies! ?❤️ By the way nag.try ako mag.PT end of the month ng February, kaso NEGATIVE! ? Pero hindi nako umulit mag.try mag.PT ngayon baka kasi madissapoint na naman kami mag.asawa.. Thank you and godbless!

13 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Irregular mens din ako since nag start ang menstruation ko. Nung nag pacheckup ako dahil hindi ako nagkaroon ng ilang buwan which is unsual, and found out na ang cause is hormonal imbalance. Niresetahan ako ng pamparegla before and pag umiinom ako ng gamot nagkakaroon ako, pag tinigil ko naman hindi rin ako nagkakaroon ulit. My OB suggested na magdiet ako baka daw magregular ung mens ko. I tried LC diet then nagregular na naman ung mens ko since nagdiet ako. Dirty LC ako sa loob ng 4months and during 5th month hindi ako nagkaroon ulit, so nagtry ako magPT and nagpositive na sya ng 3times (sa loob ng 2weeks). Pacheckup ka po and kung dahil sa hormonal imbalance ang cause nyan, I suggest na mag LC diet ka rin.

Đọc thêm
5y trước

Yes sis.. Thankyou sis! Godbless.. ❤️

Hi po, sa akin naman po prehas po tayong irregular so normal din po sa akin na 2 months or 3 months di nagkakaron may pcos po kasi ako, until nung october na kala ko nagkaron na ako parang spotting lang din sobrang konti lang talaga akala ko yun na yung mens ko that month kasi ganun yung mens ko nung nagka pcos ako sobrang konti, so normal ulit sakin na hindi magkaron ng another 2 to 3months until hindi ko napapansin na antagal na palang wala ako nalaman ko nalang 5months na si baby ko hehe, kaya wag ka mawalan ng pag asa ate, try mo din po magpa check sa doctor mo po para mabigyan ka po niya ng meds para ma regular ka po. Hoping na makaboo na kayo! Godbless you po.

Đọc thêm
5y trước

Ay.. talaga sis? 😊 Nakakatuwa naman. Salamat sis ha.. Sana talaga makabuo na kami.

Ako sis since may PCOS ako, both ovaries kaya nagiging irregular ang mens ko (Every other month ako nagkakaroon) last year, June ang last mens ko then July di na ako dinatnan tapos nag PT, negative. Tapos August di pa rin ako dinatnan, first week nagtest ulit ako, negative pa rin. Then nung last week ng August since di pa rin ako dinadatnan kaya nagtest ulit ako. Ayun nag positive! Di pa ako na convince nun kaya inulit ko ulit yung test (First test kasi ginawa ko around 3AM tapos inulit ko mga bandang 10AM kasi yun yung oras na bukas na mga botika) ayun, positive nga. Ngayon, 37 weeks na kami ni Baby. ❤ Mas maganda pa check up ka na lang din para sure.

Đọc thêm
5y trước

Pray lang sis, tiwala lang. 🙏 Pinanghihinaan nga ako ng loob kasi nung nadiagnosed ako na may PCOS last 2016 sabi nung OB baka di na ako magka baby ulit. Tapos mister ko nagka problema rin sa kidneys niya na nakaapekto sa prostate, bladder, etc. Ininuman lang namin ng vita plus melon 2x a day, subok lang. 😅 Nagstart kami May, then August last week buntis na pala ako 5 weeks. 😁

Magtry ka uli magpt Sis.pag negative parin it means wla prin tlga.pero wag mwalan ng pag asa pray lang kay God.Tpos try ka inom ng folic acid kc ako ganun ang ginawa ko kc 11 yrs.old n panganay ko ang thanks be to God sa tagal n gusyo nmin sya masundan binigay din ni God.Uminom ako ng folic acid for a month then panay gulay ng malunggay ayon in God's grace and in a right time pinagkaloob samin I'm now 4 months pregnant.Thanks be to God.

Đọc thêm
5y trước

Pero pra mkasigurado ka Sis.mgPT kc minsan ung feeling ntin minsan mali eh like me dahil sa kgustuhang mgbuntis uli dati prang pkiramdam ko bjntis ako pero d nmn pla he3.kya lahing wow mali he3.

Sis. Magpaalaga ka sa OB. Baka makatulong. Keep on praying din. Darating din si baby minsan pa when you least expect it. Hopefully diba. Dumaan din ako sa ganyang stage. 3years nagtry bago makabuo akala ko wala ng pagasa. Be healthy at iwasan ang stress pati si hubby. Try ka din po folic acid kung trying to conceive kayo baka makatulong ☺️ goodluck and May God answer your heart's deepest prayer.

Đọc thêm
5y trước

Thankyou sis sa Advice! Godbless.. ❤️

Hiiiiiii?? Nung december din meron akoooooo!!! And dumating ang january,february,march na wala padin akong regla which is irregular din ako, pero nung feb din nag pt ako and negative siya then nag pa urinalysis kami nung march and nag positive ung result💖 15weeks preggy hereeeeeee!!!!!

5y trước

Yes po ganon na nga po,nangangalay siya.

Baka iba case mo sis. Nung nag pt ka ng February dapat mag positive na yan. Pacheck up ka nalang sissss para makita nila kung bakit sobrang late na ng mens mo

5y trước

Yes sis.. Negative eh.. Thankyou sa advice. 😊

Depende. Usually kasi hindi naman po brown ang lalabas. Pink po.

pa check po kayo momsh, malay nyo nman nabiyayaan na kayo ni Lord ☺

5y trước

Ay.. Sana nga sis! ❤️ Thankyou Mommy.

Thành viên VIP

Try mo mag pt ulit if negative parin better consult ob

5y trước

Okay sis.. Thankyou sa advice. 😊